06 February 2011

-- random --

Nakokonsensya din naman ako mag-dl ng movies kasi kapag tumatakbo na torrent ko, lahat sila di maka-konek. Kaso ang dami talagang dapat idownload e.. Panu ba yan....?

*****

Since nakabalik na si Ate Christel, may morning shift duty na ako. Nakakapanibago.

*****

Umandar na yung pangakuan namin ni habibi na hindi ako iinom ng kape at di sya magyoyosi. Simula pa lang ng Feb pero nanlalata na ako. Nagpaalam ako sa kanya kung pwede na kahit once a week lang, pero ayaw pumayag kasi unhealthy daw ang coffee. Haller, kahit isang beses sa isang linggo lang?? At ang mas weird pa dun e umiinom kami ng alak almost every week, tas kape hinde pwede??

*****

Si Mica daw makulet pero matalino naman. Hay hay hay...parang ako lang ah. :))

*****

Basted na si SonMar. As in nilinaw ko na.

*****

AKO: Daddy, wala ni isang hayop dito! Kahit aso, pusa o kaya ibon, wala pa ako nakikita!
DADDY: Ah oo, disyerto kasi dyan. Ang tawag sa mga hayop dyan e camel.

*****

Ikakasal na si Dize! My gawd!! As in hindi pa rin ako makarecover sa balitang yun. She's 3 months pregnant with a guy other than Leo. Huwaw! Akalain mo, nag-ingat sila for 5 years, tas ilang beses silang nag on-off. Tas in the end, ikakasal din sya with a guy na nakarelasyon nya for 3 months only (kasing tanda ng ipinagbubutis nya ngayon). Eto talaga e napakabilis na pangyayari. Hala, panu na mga bakasyon ko sa Bora? Wala nang free food and lodging?

*****

Amf, natuto na ako mag-facebook. Iba talaga nagagawa ng kawalan ng magawa.

*****

Lumayo ka na sa akin
Wag mo kong kausapin
Parang awa mo na
Wag kang magpapaakit sa akin
Ayoko lang masaktan ka
Malakas ako mambola
Hindi ako santo

Pero para sa'yo
Ako'y magbabago
Kahit mahirap
Kakayanin ko
Dahil para sa'yo
Handa kong magpakatino
Laging isipin
Lahat ay gagawin
Basta para sa'yo


Dapat matutunan nya yan kantahin e.

*****

Hindi naman totoo na nabubuhay na lang ako sa de-lata. Minsan naman e kumakain din ako ng pansit canton, hotdog, sky flakes, patata, at cereal.

*****

DADDY: Baka naman inom ka ng inom dyan ha. Minsan ka lang dapat uminom, yung hyperacidity mo. Saka bawal kasi uminom dyan diba? Mag-ingat ka, wag ka papahuli ha.

*****

Hanggang dito e nadala ko pa rin ang pagiging makakalimutin ko. Twice ko na naiwan yung cellphone ko sa site, tas once naman yung ipod. Tas mga apat na beses na ako pumasok sa work ng walang dalang pera. Buti nalang e 15-minute walk lang mula mall hanggang bahay.

*****

Uulitin ko lang: should I or should I not download? Huhuhu.

No comments: