09 February 2011

just another SonMar post

After ko mam-basted, may kakaibang pangyayari sa amin.

Lalo ata kami naging close.

Dati kasi, medyo naiilang ako pag magkasama kami e. Lalo pa kung nakikita kami ng ibang staff na magkausap o kaya magkasabay umuwi. Pero yun na nga, after na sabihan ko sya na wag na nya ituloy yung mga lakad nya, binirahan ba naman ako ng pagsabay sa break time, pagbabaon sakin ng pagkain (kasi puro de-lata daw ako), pagyayaya lumabas after ng work...ganun ganun. Tas laging may "walang malisya yan" na hirit.

Edi ako naman si sige lang.

At ganun na nga mga pangyayari. Syempre si JMC todo ang pagdududa. Hindi nga daw kami masyado nag-uusap sa floor, pero nagkikita naman kami sa labas pag uwian. Naglalaro lang yun sa isip nya hanggang sa di na nya naiwasan magtanong sakin. Sabi ko hindi kami. Ayaw maniwala.

Pero medyo magulo nga yung relasyon namin e. Eto na nga yung tinatawag na pseudo-relationship. Parang kayo pero hindi naman kayo. Lagi na lang ata akong pumapasok sa ganitong sitwasyon. Manggagamit siguro talaga ako ng lalaki noh?

Umandar na naman ang pagka-selfish ko. Ako na naman ang nakikinabang.

Pero nakaka-touch talaga pag alam mo na may nag-aalaga sayo noh? Ipinagluluto pa nya ako ng ulam. May supply din ako ng prutas. Tas pag may inuman di sya umiinom kasi alam nyang ako e malalasing. Tas nagalit sya nung sumama ako uminom kina Nurse-San (eto medyo nagpaparamdam din e) kasi nga hindi sya kasama e baka daw may mangyari sa amin. Tas nag-aalala sya kasi uuwi na sya ng Pinas sa bandang April (40 days bakasyon), e paano na daw ako.

Hindi nya pa alam pero sa pagitan naming dalawa, ako talaga ang nagmamanipula ng kung anu mang meron sa amin. Hay..ang sama ko talaga. Ayoko isipin na pinapaikot ko lang sya, pero ganun na nga siguro nangyayari. Di ko na maintindihan.

Kung hindi siguro napakakomplikado ng sitwasyon, baka mabuo pa loob ko sa kanya. Kaso kasi andyan na yung ex sya ni JMC. Tas pamilyado pa sya (Fazzly: He has a beautiful wife and a smart daughter. I can't understand why he has to look for other girls! -- well, totoo naman e) Kumbaga, wala din naman patutunguhan ang lahat. Tas lahat pa halos ng staff hindi approve sa lifestyle nya. At notorious syang chickboy (na may katotohanan naman).

At eto pa ang pinakamalupet sa lahat: despite all, hindi ko sya mapakawalan.

Anu na ba ito?

No comments: