02 February 2011

JMC Overload

I used to be supportive of her. Alam mo yun, na-gui-guilty pa ako dati pag binibigyan ako ni SonMar ng attention nung panahon na sila pa. Minsan naman genuine yung masasaya kong reaction sa mga kwento nya about them e. Tas nung naghiwalay na sila (JMC to SonMar: Alam mo ba kung bakit ako naiinis? Kasi ginawa mo akong front dun sa feelings mo kay Yara!) e talaga namang apektado ako, di lang halata.

Well apektado ako until nalaman ko yung tungkol kay Palawan Guy, Dubai Guy, at si Somewhere in Mindanao Guy.

Ilan bang fallback meron sya??

Kasi lahat ng yan naririnig kong tinatawag nyang HON, tas may "i love you" pa sa huli, sabay hagikhik. E puro lokohan lang pala nagaganap sa paligid ko e. May pa-guilty-guilty pa ako. HOY JMC, IBALIK MO MGA PAG-AALALA AT SINAYANG KONG GUILTY CONSCIENCE! ADIK KA!!

Well in the end, medyo nauuna sa karera si Dubai Guy, palibhasa sya ang pinakamalapit physically. Si Palawan Guy di na nya masyado pinapansin. Si Somewhere in Mindanao Guy e talagang inabort na nya. Nakakaawa din naman sila, pero hay naku, ayoko na magpaapekto sa kanila. Malay ko ba baka may mga ibang girls din yang mga yan. Umiikot lang ang pangangaliwa nila. Ang sasama ng ugali nila, nakakabadtrip sila.

So last day-off, she spent 1D/1N with Dubai Guy. Ang bilis ng mga pangyayari. Kala ko naman naka-move-on na sya kay SonMar. Pero nalaman ko na hanggang ngayon, ina-attempt pa rin nya makuha ulit etong si SonMar (hinalikan ba naman nya! lupet talaga!) at dahil medyo nanlalamig na sya sakin, ibig sabihin non e nagseselos yun sa aming dalawa. Anu ba yan.

Ilang lalaki ba gusto nya makuha?

Naiinis ako, sa totoo lang. Sabi ko di na ako magpapaapekto, pero grabe naman, kung araw-araw mo sya kasama -- trabaho at bahay -- tas nawi-witness mo parati yung unhealthy attitude nya towards relationships, hindi mo maiiwasang maasar e. And let's not forget about that incident with a random guy na nakainuman namin two weeks ago.

Hindi naman ako nagmamalinis. I also had my shares of incidents before, pero wala naman sa kanila ang binibitawan ko ng mga kung anu-anung salita, tas hindi naman emotionally-attached yung mga yun (except for one). Usually hormonal lang yung mga yun e. So sige na, masama na rin akong babae, pero hindi sa ganung level siguro. Ah basta, naiinis ako kay JMC. Hindi ko na sya masuportahan sa love life nya kasi puro fraction of a guy yung kabuuan nun e. Panu ko naman seseryosohin yun diba?

Ayoko na marinig mga kwento nya. Utang na loob. Di ko na kaya.

No comments: