13 February 2011

isang malaking QUESTION MARK

Tutal naman iniisip na ng lahat na kami na ni SonMar, at SYA mismo iniisip din na kami na, might as well totohanin diba?

But nooooooo...!!!

Una sa lahat, hindi buo ang loob ko sa kanya.
Pangalawa, walang patutunguhan ito.
Pangatlo, patay ako sa mga magulang ko.
Pang-apat, magiging tago ito.

Hindi ko alam kung nagiging calculative lang ba ako, pero sa edad kong ito at sa general outlook in [love] life ko, hindi yan pwede e.

Ni hindi ko nga alam kung mahal ko ba yung tao.

Pero unfair din naman ako sa kanya. Sabi nga nya, hindi naman pwedeng puro sa kanya galing ang lahat: yung affection, yung mga salita, yung mga ganun-ganun. Tama naman e. Pag nagtatanong sya di lang ako umiimik. Mas mabuti pa nga daw na sabihin ko sa kanya na "wag nalang" o kaya "tama na" kesa yung wala syang makuhang sagot galing sa akin. Ang dating kasi, pinapaasa ko lang sya. Na mukang ganun na nga.

Pero after nga nung kissing episode namin sa toilet (pakshet talaga!!), iniisip nya na yun na yung sagot ko. Action speaks louder than words nga daw. Utang na loob.

At mas lalo sya naguluhan sa akin. Ako din lalo nagulo.

Kaya ngayon, di ko na alam kung ano na nga ba kami. Ang labo.

No comments: