Bingyan nya ako ng mahabang speech kanina.
Nag-aalala daw sya sakin kasi napapansin nyang lumalayo na ang loob sakin nung mga kasama ko sa bahay, at behind my back daw e malamang ay napapag-usapan ako. Syempre, kampi sila kay JMC.
Ang sagot ko e wag sya masyado mag-isip dahil kaya ko naman ang sarili ko.
Tinatanong nya kung hindi daw ba ako nagsisisi sa kanya.
Ang sagot ko e pinag-isipan ko naman yun ng mabuti.
Nag-sosorry sya dahil nasasangkot ako sa gulo dahil sa kanya.
Ang sagot ko e wag sya mag-alala.
Hala, akala ko eto na yung break-up dialogues e. Kinabahan talaga ako. Parang ilang gabi pa lang, sinabi nya na masaya sya sakin tas biglang hihiritan nya ako ng ganitong usapan. Although naiintindihan ko naman kasi nga mapapalayo na sya, di na nya ako masusubaybayan, tas lalo pa sya nag-alala kasi wala na naman daw akong kakainin bukod sa de-lata at hotdog (ako din nag-aalala dun..). In a way kasi nasanay din akong andyan lang sya lagi kaya naaapektuhan ako sa pag-alis nya.
Pero sa kabilang banda, i think it's for the best na mapunta sya ng Mercato. Feeling ko hindi kami mag-go-grow dahil sa sitwasyon namin dito sa Jimi. Lahat ng lakad at tawagan namin e patago, yung mga mata ng staff naka-focus sa kilos namin pareho, tas lagi pa syang inaasar ng mga tao (hindi nila magawa sakin yun e, for some reason, sya lang lagi ang kinakantyawan at hinuhuli nila). Kumbaga, eventually magiging unhealthy sa relasyon namin yung ganung sitwasyon. Unlike Dize, wala kaming Sir Jay, Sir Reno at Sir Nard na susuporta sa aming dalawa. Solo flight ito.
Hindi ko pa sinasabi sa kanya, pero di naman ako nagsisisi. At alam kong mahirap at masakit, pero sinagot ko sya knowing na one day kailangan naming pakawalan ang isa't isa. Pakshet, ang drama ko.
1 comment:
hmmm...
malaki k n..lam mo n ginagawa mo..
Post a Comment