31 August 2011

Kapag ako'y nababato...

Ako na ang babaeng hindi nabiyayaan ng kahit anong talento. Nakaka-drawing nga, may kopyahan naman dapat. Nakakakanta nga, pero pabulong lang. Nakakasayaw nga, pero kapag nalasing lang sa discohan. At jusme, wag na nating pag-usapan ang sports. Kung Chinese Garter lang at 10-20, pwede pa siguro.

Sana lang talaga e talentado ako: marunong kumanta, sumayaw, at mag-gitara. Pero dyan sa tatlong yan, tila gitara lang ang pwede kong pagsikapan. Kaso wala namang gitara dito. So panu yun, kahon na lang ng Tide at ilang pirasong lastiko?

Bukod dyan, mahina din ang social skills ko. Ilag ako sa mga bagong kaibigan. Hindi ako nambobola. Nakikisakay naman ako sa mga joke, pero kapag nasa tamang timpla lang ako non. At syempre paminsan-minsan lang din yon. Madalas pa akong maipit sa mga “awkward moments.” Kasama na dyan yung awkward silence, joke na hindi bumenta, o kaya nasobrahan sa sarcasm.

Banggitin na din natin ang romantic capabilities ko. Hindi naman sa nagmamaganda, pero sabihin na nating may mga nagkakainteres naman sakin. Napansin ko lang, na habang andun pa sa panahon na naghuhulaan pa kung may gusto nga (yung tipo bang nagpaparamdam o kaya nagpapahaging lang), e medyo naaaliw pa ako. Pero pag gumawa na ng direct move – patay na. Sabihin na lang nating nanlalamig na ako pagkatapos non. Tas magtataka pa ako kung bakit walang tumutuloy o naglalakas-loob manligaw sakin. At ayoko pag-usapan si SonMar.

Ayun lang naman. Hinanakit ng isang tulad ko. Produkto ng pagkabagot at pagkagutom.

1 comment:

--kim-- said...

natatawa ako pag binabasa ko mga post mo...

hahaha!!!