1) ....at piling mga tao lang ang makakabasa non
2) ....kung talagang paglalabas lang naman ng sama ng loob ang pakay mo at hindi ang ipagkalandakan sa buong mundo ang sama ng loob mo
3) ....at pwedeng walang magkomento don
4) ....at hindi mo kailangang pagsisihan yun sa bandang huli pag nabasa mo na ulit ang mga pinagsusulat mo pag nasa tamang pag-iisip ka na
5) ....at hindi ka magkakaron ng mga kaaway dahil don
Meron akong friend at ang FB ang ginawa nyang labasan ng sama ng loob nya. Okay, so madami namang gumagawa non talaga -- yung iba, talagang ginagawa lang hingahan, yung iba naman e nagpapapansin lang at nangongolekta ng mga komento ng mga kaibigan nya.
Pero eto kasing si Friend, pino-post nya sa wall nya yung usapan (as in with complete name pa ha) ng boyfriend nya at nung babaeng kalandian nya. Eto naman kasing si boyfriend e hindi muna nagpalit ng password bago naglandi edi nabasa tuloy ni Friend sabay copy-paste sa wall nya.
Anu ba naman yun. Di bale sana kung ang ipopost lang nya e nasasaktan sya dahil niloko sya at kung anu-anu pa. Hindi naman namin kailangang malaman kung anu yung usapan ng boyfriend nya at ng kalandian non. Pakialam ba namin sa kanila diba. Sobrang in denial pa sya na may ginawa syang hindi tama. Nakakabadtrip kasi ang foul nya. Gusto ko sana sya sabihan na mag-create na lang sya ng blog nya, tas post nalang nya sa FB yung blog address nya para yung mga totoong concerned lang ang makabasa ng mga hinanakit nya, e kaso baka ma-offend naman. Kaya ayun, dinelete ko nalang sya sa list ko. Wall spammer, amf.
No comments:
Post a Comment