15 August 2011

sabi na eh, breaking up is hard to do

sinimulan ko na ang paliwanag, ang pag-oopen ng realidad.

basta in short, sabi ko wag namin pangarapin na kami e "KAMI." hindi kami permanente. gusto ko naman na balang-araw e mapalitan ang apelyido ko. na hindi ko alam kung gaano katagal ang itatagal namin pero hindi yun kasing tagal ng iniisip nya. na kahit gaano pa nya ako kamahal, na-late pa rin ako ng 5yrs, at hindi namin kayang ibalik yon.

at ngayon, iniisip nya na gusto ko na makipaghiwalay. as in now na.

hindi naman e. hindi pa sa ngayon.

kumbaga, gusto ko lang iparating na isang araw, magpaparaya din kami at kailangan handa kami pareho dun. kahit na feeling ko handa ako, sigurado masasaktan pa rin ako pag dumating na nga yung time na yon. edi lalo pa sya, napaka-attached pa naman nun sa akin.

edi jan na papasok yung tanong na "e bakit di pa maghiwalay ngayon? kailangan pang mag-antay ng panahon?"

selfish man at unfair, ang sagot lang naman jan e dahil kailangan natin ng companionship. tingin ko yun naman lagi ang dahilan e. siguro feeling ng iba hindi yun enough reason para pasukin ang ganitong relasyon, pero pag andito na kayo sa ganitong sitwasyon -- yung tipong naghahanap ka ng makakasama, ng makakausap, ng mag-aalaga sayo, etc -- alam mo man na mali, mahuhulog ka pa rin. kaya nga ngayong nasa ibang bansa ako e naiintindihan ko din kahit papano kung bakit madalas nakakahanap ng ibang karelasyon yung mga taong malayo sa pamilya nila.

defensive ba? kanya-kanyang pananaw na lang siguro yan.

para daw mapatunayan nyang mahal nya ako, willing sya magpa-annul. sabi ko ayoko. hmmmm... pano ko ba sasabihin yon? 'i'm not a woman worth losing his daughter for'.

sabi na lang nya sa bandang huli, basta daw pag nakahanap na ako ng iba, gusto nya malalaman nya yun mula sa akin. na-misinterpret nya ata ako. ang nasa isip nya ngayon e meron na akong nakitang iba kaya ko sya iiwan (pag nagkataon).

hay.

SonMar, kung single ka lang, bukas na bukas pakakasalan kita. kaso hinde e. kung tingin ko karapat-dapat ako, pwede kong sabihin na pag-ipunan mo na ang annulment mo. kaso hindi din e.

pero hindi kita maiwannnnnn........pesteng companionship yan.


*****

pagdating sa kanya, ang hilig ko i-contradict sarili ko. hayyyyyyyyy, anu ba yunnnnnnn......

2 comments:

--kim-- said...

kaw ng inlove....

ayieeee!!!!!!

now Love conquers all..hahaha!!!

kaw ba yan JOANNE!!!!!

prng iba yung kilala ko na joanne pg dating sa love ah...

tsk2!

inlove k nga tlg..:)

yara said...

ewan ko, in denial ako e, hahaha.