08 August 2011

Malas Ata ang Bangs!

Sabi nila, tumapang daw yung mukha ko nung nagpa-bangs ako. E kung tumapang mukha ko, baket napapadalas ata ang pangbabastos sakin ng mga damuhong Arabo??

Nung isang beses, hinituan ako ng kotse.

Nung sumunod naman, hinarang ako ng tatlong binatilyo sa hagdan.

Tas kanina naman, pinwersa akong hilahin sa loob mismo ng area ko.

Edi syempre sumbong naman ako kay Myc at Pearl. Sabi nila next time daw dapat mag-eskandalo naman ako. Baka naman daw kalmado pa rin ang salita ko pag nahaharap sa ganong sitwasyon.

E ganun na nga.

No comments: