06 September 2011

KLSP

Nakakainis ang mga lalaking PAPANSIN. At ang mas nakakainis pa doon ay hindi nila napapansin na naiinis na tayong mga babae sa mga pagpapapansin nila. Badtrip na mga FEELER.

Syempre iba ang istorya pag gusto mo yung taong nagpapapansin sayo. Ikaw pa mismo ang gagawa at magbubukas ng oportunidad para makapagpapansin sila sayo.

Ironically, yung una kong tinutukoy e si SonMar. Yung pangalawa naman e si Bespren. Medyo natitigilan ko na yung una. Hindi ko pa mabitawan yung pangalawa.

Bespren naman kasi, Hindi ko na dapat papansinin yung mga pahiwatig mo, kaso sa kalagitnaan e nahawa na din ako sayo. Papansin tayo pareho noh?

At sa dulo ng mga pagpapapansin na ito, talo na naman ako. Hay, pakshet na pag-ibig ito. Nahuli na naman ako. Ang masaklap pa dyan, huli lang ako ng isang buwan.

Pero hindi ko naman pinagsisisihan ang mga pangyayaring ito. At least sa buhay ko, masasabi kong "daig ng malandi ang maagap."

No comments: