Aminado naman ako na sawain ako sa maraming bagay. Yung enthusiasm ko sa trabaho, mga 6mos siguro. Yung mga binabasa ko, mga 2wks. Yung mga nilalaro ko, mga 3nyts. Yung relationship, ewan ko kung aabot pa ng 7mos.
Bigla na lang ako nanlamig kay SonMar.
Sabi nya gusto nya ako makita sa off namin.
Sabi ko ayoko makipagkita dahil may lakad ako.
Hirit nya may iba pa daw na dahilan.
Sagot ko kailangan ba laging may dahilan.
Pinipilit nyang may dahilan daw yon.
Sabi ko kung gusto nya ng dahilan, mag-imbento na lang sya.
Mag-aantay daw sya kahit buong magdamag sa labas ng bahay.
Sabi ko gawin nya kung anong gusto nya.
Sabay byebye.
At off ng mobile.
Ang bad ko, pero ewan ko nga ba. Paiba-iba mood ko pagdating kay SonMar. Parang kelan lang kung ano-ano pino-post ko tungkol sa kanya, ngayon ganito na.
Nababanas kasi ako pag kinikwestyon yung free time ko. E sa may lakad nga ako e, hahanapan pa ako ng ibang dahilan. So siguro nga mas marami akong oras kasama mga staff dito, pero ako pa rin naman ang magdedesisiyon kung ano at sino ang gusto kong gawin at makasama sa sarili kong day-off diba? Badtrip, amf.
No comments:
Post a Comment