19 July 2011

Isa rin ako eh!

Napag-tripan ko lang basahin yung mga posts ko simula nung kalaunan pa hanggang sa pinakahuli! Dami na pala nangyari sa buhay ko noh?

Ang matindi, nabasa ko ito at well... aray?

Pinipilit kong maghanap ng differences sa ginagawa naming dalawa kasi ayokong pumayag na magkapareho pala kami pagdating sa ganung mga bagay-bagay. Hindi ko matanggap. So ang tagal ko syang pinag-isipan, at wala akong makuhang lusot. Pakshet to the max!

Sabihin na lang nating sya e collect and select. Ako, collect and collect. Hala, mas matindi pa ata ako ah. Kasi sya, among all the affairs she had, naghahanap talaga sya dun ng pwedeng makatanggap sa totoong estato ng buhay nya. Ako...wala. In the end, wala rin akong pinipili. Mas malala nga ako.

Bakit ba ako lumaking walang interes sa seryosohang relasyon? Sabi nga nga nanay ko, pinalaki naman daw nya ako ng tama. Anu ba yun.

Masyado lang akong masikreto at tahimik e kaya hindi sakin nakikita yung mga ganyan-ganyang kalokohan. Mga taong tulad ko nga, nasa loob ang kulo.

No comments: