16 July 2011

Dahil hindi natuloy ang lipat-bahay, lipat-kwarto na lang!

Nung una, ang dahilan ng kagustuhan kong lumipat e dahil grabeeeeee ang ingay ng roommate ko. As in gigising sya ng 5am para mag-skype! Di bale sana kung medyo pabulong ang boses e, kaso pwedeng-pwede ko ikwento sa kanila ang pinag-uusapan nila e. Alam na alam ko pati pribado nilang buhay. Jusme, nakakakilabot ang hagighikan at landian. Bukod dun, mabigat pa ang yabag ng paa. Wala din syang pakialam kahit natutulog pa ako dahil pag gusto nya kumuha ng pinggan, kahit magbagsakan at magkalampagan pa ang mga katabi nun, keber lang. Anu ba naman yun.

Pero nitong huling buwan, medyo nagbawas-bawas sya ng ingay. E kung ayaw ba naman nya matarayan nung kababakasyon naming roommate, talagang dapat sya magpigil sa sarili. Okay naman na sana, kaso nakahanap ako ng bagong dahilan para lumipat e. At sya pa rin ang may sala.

So etong si roommate na ito kasi e ka-share ko sa ilang mga gamit. Share kami ng kawali at kaldero, rice cooker at bigas, mga plato-plato at kubyertos, at sabong panlaba at downy. E ang kaso nasasanay na ako ang taga-ligpit kahit ng mga pinaggamitan nya, lalo na yung paghuhugas ng pinggan. Ako rin ang tagaligpit minsan ng iba pa nyang kalat. Hindi sya marunong magtapon ng basura at magtiklop ng plastik. Pag day-off nakahilata lang at hindi man lang magkusang maglinis ng kwarto o banyo. Yung kama at kapaligiran nya ang pinakamakalat sa kwarto namin. Visual pollution ito. Sakit sa mata, nakakasira ng araw. At ang isa pa sa pinaka-ayoko, nagyoyosi sya sa labas ng pinto namin.

Likas naman akong masipag pag hindi gutom, kaya sige lang, nagliligpit lang ako. Kaso, dahil nga share kami sa maraming bagay, pati ang pagbili ng bigas at sabon inaasa na rin sakin. Lagi na lang syang walang pera. Kahit alam nyang sya na ang nakatokang bumili ng mga yun, wala, ako pa rin. Utang na lang daw. E panu kung wala na rin akong pera diba? Magugutom at mamamaho na lang kami pareho.

At dahil sa mga yan, napagdesisyunan ko nang humiwalay ng landas, para maging independent na rin sya. Bibili ako ng sarili kong kaldero at kawali at rice cooker (kahit technically, ako dapat ang mag may-ari nun kasi gamit yun ni SonMar na pinahiram sa amin dati pa....kumbaga...haller, girlfriend?) Saka para matuto syang mag-budget ng pera nya. Hindi naman pwedeng lagi nyang isipin na porke andito ako e alam nyang hindi ko matitiis ang sitwasyon at in the end, bibili din ako ng mga pangangailangan namin kahit sya naman dapat. Kaya simula ngayon, pag naubusan na sya ng bigas, aba e magutom sya. Pag naubusan sya ng sabon, bahala syang maghagilap ng mapaghihiraman non. Pag nagkaron ng sawa sa kwarto nya dahil sa mga gamit nya...wish ko lang wala yung kamandag.

Okay naman na ako dito sa bago kong kwarto. Ang swerte nga kasi mahilig magluto itong bago kong roommate. Nyahahahaha!! Medyo solve agad ang pagkain ko! Problema lang, sobrang hina ng signal ng wifi, hirap magkonek. Old school tuloy, naka-kable lang ako. Pero all in all, pwede na! :))

1 comment:

--kim-- said...

anu ba yan...grabe nmn yang rummate mo...buti n lng at nakahanap k ng bago kwarto..