Tuluyan nang sumemplang saken si SonMar. Ang ganti pala non e talikurang panggagago.
Dahil kino-corner na sya ng asawa nya na nabibigyan ata ng impormasyon ng kung sino man sa mga taong napagkatiwalaan nya, ipinasa na nya saken ang problema. Ibinigay ba naman ang mobile number ko sa asawa.
Sige nga, gawain ba yan ng matinong tao???
Edi etong si asawa tawag naman saken noh at syempre nangungulit ng katotohanan. Ako naman si 'hindi' lang. Emote pa ako na kung ayaw nyang maniwala sa sagot ko, e wag na nya akong tanungin. Ang haba ng usapan, naputol lang dahil naubusan ng load si asawa.
Ay pakshet talaga. Para saan at ibinigay nya number ko? Anong gusto nyang sabihin ko? Na oo, nambababae sya? O gusto nya ibang tao ang magsisinungaling para sa kanya? Ang labo e, hindi ko alam kung ang balak ba nya e magtapat ako o magdeny. Ang tagal namin hindi nag-usap (dahil di ko sinasagot tawag nya) tas ang susunod na ring ng phone ko e asawa na nya agad?? Anu ba naman yon, ni wala man lang warning e noh. Hindi ko lang kasi maintindihan yung mga pangyayari. Mas malabo ba kesa sa mga Arabo dito.
Nakakatawa na lang sya ngayon kasi ang far-out talaga. Kapag nambabae (o nanlalaki) ka ba at ayaw tanggapin ng asawa mo yung sagot mo, e ilalaglag mo ng ganon yung partner (or naging partner) mo? Ano yun, highschool? Yung tipong "ayaw mo maniwala saken o edi sya na kausapin mo" sabay bigay ng contact. Isipin mo naman, nanggaling pa ng Pinas yung tawag na yon, nag-effort pa mag-load para saken. Buti na lang at di ako sinubukan tawagan ni SonMar ngayon kasi sa high blood ko baka makapagsalita pa ako ng di maganda, kaya tama lang rin na palipasin nya muna ako at hayaan na lang na matawa ako sa mga pangyayari.
Pero hindi nga, gawain ba yan ng matinong tao???
Ano bang tumatakbo sa utak nya habang kausap nya si asawa?
1) Bakit mo ba ako inaaway, o eto number ni Yara at sya ang tanungin mo!
2) Sabi nang wala kaming relasyon e, o eto number nya at sya ang tanungin mo!
3) Wag mo na akong tanungin, o eto number nya at sya ang tanungin mo!
4) Nasabi ko na sayo ang lahat, o eto number nya at sya ang tanungin mo!
5) Eto number nya o, kayo na mag-usap.
Hayyyy, di ako makaget-over.
1 comment:
kalma ka lang...
tumataas ang dugo mo hangang ulo...hehehe
sana sinabi mo na nambabababae asawa nya ng tuluyan cla nagaway (bad me) hehehehe...
hiwalayan mo n kc c Sonmar... wala na pupuntahan yang relasyon nyo...
Post a Comment