20 November 2011

Ladies, it ain't easy bein' independent

Pinag-uusapan namen kanina ang single vs. married/complicated at marrying at young vs. not so young age.

Okay naman talaga maging single e. Perks: you own your time (and how you spend it), you own your money, you own your secrets. Kaso syempre, malamig ang pasko mo at lahat na ng okasyon na maiisip mo nalang na sana may ka-share at kayakap ka. And when the hormones kick in, patay na, kawawa ka talaga.

Kapag married naman...well tingnan nalang natin ang sitwasyon ko kay SonMar at Bespren. Malupet din para sa tulad ko diba? At pag complicated naman na tulad ni Heavy Smoker (may gf), Habibi (matinding komplikasyon na ayaw pa kasi aminin e), at Super Feeler (tatay-in-the-shadows)...wala, parang ganon din. Masyadong mataas ata ang mga apoy na pinapasok ko ah. Siguro kaya may sa kung ano-anong kababalaghan ang nangyayari dito sa bahay. Ako pala ang nang-aattract ng negative forces dahil sa mga kasalanan ko.

Well in short, pag married ka...GAME OVER! (at hindi mo na pwedeng seryosohin ang lahat ng makakarelasyon at makaka-fling mo after non dahil...luge talaga sya... Huhuhuhuhu.... Besprennnn~~~~~~~~)

At eto namang pagpapakasal (for girls) at a young age (mga around 21-27) at not so young age (28 up). Medyo mahabang kwentuhan yon, pero ayon sa mga babae sa paligid ko (yung isa 29, yung isa 32, at yung isa 35 -- lahat single), dapat talaga magpakasal ka hanggang maaga pa. Para sa edad kasi nila ang hirap na humanap ng matinong lalaki, yung tipo bang walang komplikasyon sa buhay (walang asawa & walang anak sa labas). Kaya kumbaga, takot na rin sila magseryoso ng relasyon kasi baka malaman nalang nila isang araw na ang mga jowa pala nila e may mga very dark secrets. Ahuhuhu, problemang matindi yan.

Ang mahirap dyan, papalapit na ako sa edad na yon, hahahaha. Kaya by next year at kapag wala pa akong lalaki na pwede kong ipa-chat sa mga magulang ko at pwede kong i-post ang pictures sa net...wala, kelangan kong mas lumandi pa, bwahahahaha! :))

Ang conclusion...mafi faida. Sa katapusan ng mahabang girgir, mga single pa rin kami.@_@

No comments: