Ang bilis ng karma.
Parang kelan lang nai-lock ko sa loob ng kwarto yung roommate ko. Kahapon naman hindi ako makapasok sa kwarto kasi ni-lock nya at tinangay yung susi papuntang Abu Dhabi (kung sa Pinas, parang nadala hanggang Cavite).
Ayun, at hindi ako makapasok sa kwarto at minalas-malas pa dahil walang ibang tao sa bahay kaya ang magiging ending e sa labas ako maglalatag ng karton. Ang balak pa naman nya e babalik sya dito sa Wednesday pa ng umaga.
Kaya ang pinakamagandang solusyon e makipaglasingan sa bahay ng iba, at yun na ang totoong naging ending. Dumayo ako sa boys accommodation at doon tumagay at doon na din natulog (yun talaga ang pakay ko dun e -- matutulugan). Buti naman at si roommate e umuwi din ngayong tanghali (nakonsensya ata e), at sa wakas e nakapasok nko ngayon sa kwarto.
At least naranasan ko ang maging squatter sa ibang bansa.
No comments:
Post a Comment