Mukang nabibilang na ang araw ko sa trabaho ah. Under investigation pa nga ako dun sa naunang issue, at madadagdagan pa ata, most likely, ngayong araw. Sa loob ng isang buwan, dalawang kaso agad. Humahataw talaga ako.
Sabi ko sa VP namin, i-transfer nya na ako sa Boracay dahil yun naman talaga ang in-applyan ko. Sabi nya, hindi daw kasi mas kailangan daw ako dito sa Central. Ha! Sige lang, aantayin kong sabihin nya ulit sa akin yon pagkatapos akong mahatulan dito sa mga kasong ito. Hindi ko pa pinipirmahan yung bago kong kontrata. Kakatakot.
At dahil d'yan, naghahanap na ulit ako ng bagong mapapasukan. Iba na dapat ang nakalagay sa resume ko e.
Certified Job Hopper
Pag nagkataon, pang-5th job ko na yung susunod, in 2 years! Akalain mo.
Pero kinakabahan talaga ako. Hindi ito ang panahon na dapat e mawalan ako ng trabaho. Hangga't may binabayarang laptop, kelangan may source of funds. Dapat maka-survive sa imbestigasyon! Kung kailangan i-twist ang katotohanan, gagawin ko!
...hindi, masyado akong mabait para magsinungaling.
Haaay. Tuma-tumbling lang ang buhay ko.
No comments:
Post a Comment