26 August 2008

ANG AMING MUNTING OPISINA

ANG AMING MUNTING OPISINA

Sa aming komunidad, sila ang mga natatanging tao:

DONI - Siya ang aming bisor. Pero para sa isa naming kasama sa trabaho, sya ang kanyang kalinga. Metikuloso sya sa trabaho at gusto nya laging kumpleto ang report ko, lalo na pagdating sa mga problema sa aming mga kwarto. Dahil ako naman ay masinop at masipag, gabi-gabi, linggo-linggo, at buwan-buwan ko syang binibigyan ng report, pero kapag sinumite ko na, hindi naman nagagawan ng aksyon. Isang buwan na, nirereklamo ko pa rin ang mga sirang kwarto. Wala namang nangyayari, tapos mamadaliin kapag fully-booked.

TAGLINE: ”Oo sige, sige, ako’ng bahala!”

ABY - Siya ang senior. Halos limang taon na sa kumpanya, wala pa ring hupay. Siya naman ay talagang marunong, ngunit para sa iba, siya ay masyadong nagmamarunong. Madaldal, dami kwento, wala naman akong masyadong pakialam. Saka sobrang makalat ang gamit. Pagbukas ko ng cabinet at drawer, meron ba namang kalat-kalat na make-up, pulbo, t-shirt, tsinelas, shorts, at kahit gatas. Naglinis ako ng opisina, ipinagtatapon ko karamihan. Ayun, lagi tuloy naghahanap.

TAGLINE: ”Asan na yung _____ ko, nakita mo ba?”

THINE - Pinakabata pagdating sa edad, pero kung kumilos e kasing tanda na ng kapatid ko. Sobrang maganda, kaya pabor na pabor sa kanya ang malalandi kong mga bossing. Hyper din at sobrang energetic kaya nakakapagod kasama. Pero isa sya sa pinakagusto kong katrabaho. HRM graduate kaya alam at pansin na pansin din nya ang mga kakulangan ng kumpanya.

TAGLINE: ”Hindi ko na kailangan ng seminar. Alam ko naman ‘tong mga ‘to e, di ko lang ma-apply dito!”

GENEILA - Siguro kung close ako sa kanya, kelangan kong dagdagan ang haba ng pasensya ko. Mabait namang kaibigan, pero ayoko kapag sumasagot at nag-iinarte sya sa mga bossing e. Nasasabihan tuloy na lumalaki na ang ulo. Magastos din kasama, nadadamay pa ako kapag umo-order sa labas. Katulad ni Thine, isa rin sya sa pinakamaganda sa grupo. Kaso mas malaki pa ata t’yan nya sa akin e. Kaya madalas nirereklamo nya sked nya, kasi di daw sya makapag-gym sa hapon kapag ginagawa ko syang PM shift. Pinakamagandang factor sa kanya, napakalinis magtrabaho.

TAGLINE: ”Mukha lang akong sosyal, pero marunong akong maglaba.”

ROGER - Bagong pasok sa aming komunidad, at dahil sa edad nya na ayoko nang alamin kung ilan, siya ang aming kuya. Eto kung makahirit, gusto kong i-suplex eh! Hindi ko pa sya napapatawad dun sa short ko na P1000 ha! Tas madali pa syang ma-pressure at ma-tense sa trabaho, pati tuloy matino kong mundo e naaapektuhan. Nurse pa man din ang tinapos nya, kaya dapat kaya nyang magtrabaho under extreme pressure e. Siya pa ata unang duduguin kapag check-in at check-out na ng mga guests namin e.

TAGLINE: ”Maam, ayoko na, di ko na kaya….”

HAZEL - Sa totoo lang, di ko talaga alam kung anu ba ang posisyon at ang trabaho nito sa aming opisina. Siya daw ang nag-aaudit sa amin. O? Wala akong masabi tungkol sa kanya except sa napaka-straight ng kanyang mahabang buhok na bagong rebond.

TAGLINE: ”Akala nyo lang kasi wala akong ginagawa e.”

MAE - Siguro sya na ang pinakang-negative influence sa amin. Ang tamad magtrabaho, pinipilit i-shortcut lahat, yan tuloy, pati yung pasensya ni Senior Boss e shortcut din sa amin. Mali pa kadalasan ang mga report. Tas kung ano-ano pa ang ini-install na games sa pc, naaway tuloy kami ni Boss Technician. Pero sya yung tipo na game na game kapag niyaya mo, basta ba e makakatakas sya sa kanyang mahal. Lagi silang magkaaway ni Aby. Sayang rin naman, wala na sya sa amin.

TAGLINE: ”Ha, sorry, na copy-paste ko e.”

CATHY - Pinakang paborito ko sa mga kasama ko sa trabaho, ngunit sya na ang pinakang mataray sa mga client namen. Sobrang astig, kaya gusto kong ka-partner lagi sa shift. Daming nakakatawang kwento, at sya na ang nagturo sa akin kung paano mamilosopo sa mga guests namen. Malakas ang loob sumagot, lalo pa dahil alam nyang tama sya. Ayus talaga. Sobrang nanghihinayang ako nung tinapos na nila ang kontrata nya. Ang pinaka-ayaw ko lang sa kanya, hilig nyang mang-indyan. Sobra. Ilang beses pa.

TAGLINE: ”Pupunta ako, promise!

Ayan ang front liners ng Operations. Sila ang mga taong either magpapabilis o magpapatagal ng stay mo sa kumpanya. Gusto ko pa sana isama yung sa Marketing at Concierge e kaso…nakakapagod silang isipin lahat. Baka next time, installment na lang kumbaga.

No comments: