27 March 2008

Napapansin ko lang ha...tuwi na lang nahahati ang desisyon ko sa 2 bagay na may equal na importansya, in the end hindi ko rin nakukuha ang kahit na alin sa kanila.

Ang weird eh, bakit ganon?

Katulad ngayon.

Ilang araw at gabi ko ring pinag-isipan kung ano na nga ba: Boracay o Nihongo? Kapag nagtrabaho ako sa Boracay, siguradong tatagal ako, tas kasama ko pa si Dize, tas makakapag-ipon pa ako ng maayos, yun nga lang, walang PC tas syempre walang jdorama, walang manga, at walang jpop. Kapag andito naman ako, makakapag-aral ako ng Nihongo, yun nga lang, most likely e call center ang kababagsakan ko (na talaga namang ayaw ko).

At ang matagal-tagal kong pinag-isipang yan e nadesisyunan kanina lang, at sa sobrang bilis ng mga pangyayari, napa-oo na lang ako.

May trabaho na ako.

At dahil dun, hindi na ako sa Boracay, at hindi rin ako makakapag-aral ng Nihongo dahil sa schedule.

Ano na naman ba itong napasok ko?

No comments: