Kanina habang papunta ako ng Rob Galle, sumakay ako ng FX. Sa bandang Villa, may babaeng sumakay, dala nya yung anak nya na babae, mga 4 na taon siguro. Pagdating sa may kalagitnaan ng Floodway, may isang malaking mob. May naaksidente pala. Hindi na ako sumilip, medyo nakakagimbal ata kasi. Mas mabuti na lang na palagpasin.
Ngunit.
Bata: Mama, bakit madaming dugo?
Nanay: May naaksidente.
Bata: Sinong naaksidente?
Nanay: Yung nagmomotorsiklo.
Bata: Bakit sya naaksidente?
Nanay: E matulin sya magpatakbo.
Bata: Matulis?
Nanay: Matulin! Mabilis!
Tumahimik yung bata. Kala ko okay na. Kala ko tapos na.
Bata: Buti nga sa kanya. Ang bilis nya kasi.
Sadya bang ganyan mag-isip ang mga bata ngayon?
No comments:
Post a Comment