02 March 2008

bored na ako sa 5J

Sabi na eh.

In a few months, tatamarin na ako e. Especially ngayong ako na lang ang natitira sa batch namin. Lahat sila nag-resign na (o AWOL nga ba?). Nakakawalang-gana kapag wala na akong makasabay sa lunch at sa mga snack breaks, lalo pa, balik day-shift na ako (mas prefereed ko nga ata ang graveyard).

Hay.

Tas hindi pa ako makapag-warm-up sa mga kasama ko sa work. Kasalanan ko din naman ata, ang cold ko na talaga. Kelan ba ako nag-start maging ganito ka-unfriendly? Hindi naman ata ako ganito dati (pero sabi ni Francis hindi naman daw talaga ako friendly from the start. Weh, sabi nya lang 'yon, after all, after 4 years ng highschool saka ko lang sya naging friend).

So ano na ang patutunguhan nito? AWOL na din ba? Lagot ako sa mga magulang ko. Resign? Wow, humahaba na talaga ang resume ko (e in 2 years ba naman, 3 na naging work ko, hindi talaga tumatagal). Nagkatotoo na naman ata mga joke ko nung highschool, na pagdating ng araw, job-hopping ako, palipat-lipat ng trabaho. Nagdidilang-anghel ba ako? Sana kapag nagbigay ako ng 6 na numero ngayon, yun ang manalo sa lotto.

Good luck.

From the start, ayoko naman ng call center na job. Bakit ba di ko naisip na call center environment ang Reservation? Na-excite ata talaga ako dun sa "unlimited travel," at yun lang ang tumatak sa isip ko. Sabi ko magtitiyaga ako, kahit para dun lang. One year lang, free ticket na ako. Wow. Ang sarap pangarapin. Pero hindi rin pala yun enough reason. Nawawalan na ako ng motivation (pero may mtivation nga ba talaga ako?). Hindi lang yun syempre dahil wala na akong ka-berks sa work. After all, nagtatrabaho ako para kumita, hindi para makipagkaibigan (ang cold ko na talaga..).

Yara, anu na nangyayari sa iyo?

So paano na? Magpapasaway na naman ba ako? Pangatlo na ito. Una hotel, pangalawa travel agency, pangatlo airline. Anu na kaya susunod? (sana sa zoo, gusto ko sa mga hayop)

Sayang talaga ang unlimited travel.

Kelangan pag-isipan ito ng mabuti. Kelangan makahanap ng inspirasyon. Kelangan malaman ang goal. Tama si Vida, I'm running in circles, and I'm running out of time. Dapat maging stable in 2 years, yun lang ang palugit sa akin (ang bilis ng 2 years, sana kayanin ko).

Goodluck talaga.

No comments: