Para lang matahimik na ang buhay ko sa pangungulit nya sakin, pinagbigyan ko na si Pilay sa matagal na nyang inaasam-asam na date na hindi kasama si Bingi.
At dahil sapilitan, syempre late ako sa oras ng tagpo namin.
Very good.
Palubog na ang araw nang makarating kami sa destinasyon namin, at ang pinakauna naming ginawa pagyapak sa Abu Dhabi — syempre yung kung saan ako magaling — kumain. Ang problema, dahil hawak nya ang kapalaran ko (dahil sino ba naman ako kundi isang hamak na lakwatsadera lamang na walang dalang pera para mag-request ng kakainan namin diba *Pizza Hut!*Papa John's!*Subway!*Baskin Robbins!*), ang nagawa ko na lamang e sundin ang pangangailangan ng tiyan ko — extra rice!
Matapos ang dalawang mall, naglakad-lakad kami sa mala-Baywalk na Corniche ng Abu Dhabi. Buti nalang at sanay ako sa lakaran dahil mahaba talaga sya, parang Boracay lang. Di pa kami nakakarating sa dulo e bigla kong naalala na hindi namin alam ang last trip ng bus pauwi, kaya nagpaka-KJ ako at pinilit ko na syang bumalik ng bus station.
Sa wakas, uwian na.
But wait, there's more! If we arrive in Al Ain before 2AM, I have the opportunity to choose between Peach Garden Bar (Hilton), Luce Bar (Danat), or Jebel Hafeet as the final dating venue!
Amf, kung pwede lang ilipat ang channel at matulog nalang diba.
And ending, inakyat namin ang bundok. Kala ko naman e sa Green Mubazzarrah lang ang tungo namin pero ohmygollywow! nag check-in kami sa hotel sa tuktok ng Jebel Hafeet! Tang inang gago yun, first date namin tas ikakwarto agad ako. Jusme, sa Pinas nga di ko nagawa yan. Sa isip isip ko nalang e pagkatiwalaan ko sya dahil mas untouchable pa sakin yan e. Although wala akong laban pag namwersa sya (haller, residente ba naman ng gym), basta kelangan ko lang maging kalmado sa maraming bagay.
Comedy lang naman ang nangyari sa loob ng kwarto. Nanood ng napaka-boring na suspense/thriller movie, inirampa ang kanyang 4-pack ("You can't see the muscle here? You don't know how to look, you're useless!"), at nagkwento ng history ng pagmamahal nya sakin ("I like you for a very long time but you don't like me. Be my girlfriend, please"). Denied.
Nakauwi ako sa bahay (sapilitang paghila sa kanya dahil ayaw nya bumangon sa kama, may mga nararamdaman na namang pains sa katawan nya) e mga 10AM na at duty kami pareho ng 2PM.
Very, very good.
Dahil mabait akong staff, syempre pasok naman ako sa trabaho. At sya — absent! Daya, amf. Tas nagpaplano naman sya kung san kami susunod na pupunta. Aba, e kung magpapatuloy yan, baka nga maging lalaki ko yan.
"I won't take my day-off with you. I won't ask you where you are or who you're with. I won't go to your area to chat with you. Just please be my girlfriend."
Hmmm. Pwede.
No comments:
Post a Comment