01 August 2010

COURTSHIP 101

LESSON #2

Ate Hazel: May GF ba sya?
Ako: Di ko alam.
Ate Hazel: Di mo tinanong??
Ako: Hinde.
Ate Hazel: Bakit di mo tinanong?
Ako: Kailangan ko ba itanong?
Ate Libay: Ok lang na hindi nya tinanong.Kasi pag nagtanong sya, ibig sabihin, interesado sya.
Ate Hazel: Ah ganon ba? O sori naman.
Ate Libay: San sya nakatira?
Ako: Taytay.
Ate Libay: San sa Taytay?
Ako: Umm..di ko alam.
Ate Libay: Ilang taon na sya?
Ako: Di ko rin alam.
Ate Libay: Ano ba naman yan! Bakit wala kang alam?
Ako: E hindi naman ako palatanong e.
Ate Hazel: Magtanong ka nga! Lumalabas nga na wala kang interes!

So ayun, may assignement na ako. Next time na magkita kami, magtatanong ako.

No comments: