Nabanggit ko na na ako ay kilala sa aming trabaho bilang mabait, mayumi, at mahinhin. Pero simula nang magkaroon ako ng OJT at newly-hired na FD Officer, biglang na-question ang aking kabaitan.
Strict daw ako.
Talaga lang noh. Kala nila uubra sila sa akin.
Ang mga pa-late-late nila ha. Pati ang di pagsunod sa mga patakaran ko. Pati ang pabara-bara nilang pagtatrabaho. Umpisa pa lang nagpakita na ng kakapalan ng face ha. (1st day, late. 2nd day, nahuli kong naglalaro sa PC. 3rd day, natutulog on duty)
Aba.
Sya tuloy ang nilagay kong duty on Xmas & New Years eve. Naasar ako eh.
Syempre minamanipula ko din ang posisyon ko diba?
No comments:
Post a Comment