24 December 2008

metrobank

Mga WTF moments lately:

1) Pumunta ako sa Metrobank (Angono) para magwithdraw ng 13th month. E ang lakas ng ulan, tas ang haba pa ng pila. Nalingat lang ako sandali, tas may babae nang nakasukob sa payong ko. Nung malapit na ako sa shed, sabay tapik ba naman sakin, tas thank you daw. Leche. Sino sya?

2) Sa Metrobank pa din. Edi ang haba nga ng pila. Nalingat na naman ako sandali, may 2 tao na sa harapan ko. E syempre, badtrip diba.

Yara: Eh? San kau nanggaling?
Lecheng Ale: (napatingin sa akin)
Yara: Kasunod ako nung naka-red e.
Lecheng Ale: Kasunod ka nya? Edi sumunod ka sa kanya!!

Amf. Ako pa ang kontrabida?

3) May xmas party sa amin ang mga baranggay councilors ng Taytay. E ang instruction sa akin, wag i-admit ang mga walang ID or wala sa list ng invited members. Tas pinapila ko na sila sa harapan ko.

Paimportanteng Babae: Miss, bago ang lahat, ako muna ang unahin mo.
Yara: Ano pong name nila, Maam?
Paimportanteng Babae & Cohorts: (nagtawanan)
Paimportanteng Babae: Ako? Ano ang name ko? Di mo ako kilala??
Yara: E kung kapitbahay ko nga po di ko kilala, kayo pa?
Yara: Di naman ako taga-Taytay e, malay ko kung sino kayo.

Hindi, joke lang. Hindi ko sinabi yung huling dalawa. Yun yung gusto kong sabihin e, pero nanahimik nalang ako. Tas ang problema pa, wala ang name nya sa list. Hehe. Dapat di ko papapasukin e, kaso may ID. Sayang.

3) May guest, binabaligtad ako. Di ko daw sya na-inform na bawal magpasok ng pagkain sa loob ng resort. Imposible. Ako pa?

Lalaking Walang Breeding: Wala ka ngang sinabi sa amin e!!
Yara: Thrice po tayo nag-usap sa phone. Sinabi ko po ang mga resort policies namin.
Lalaking Walang Breeding: Wag mo nga kaming ginagawang sinungaling!!
Yara: (buntong-hininga)
Lalaking Walang Breeding: E kung isampal ko kaya sa pagmumukha mo yung mga dala naming pagkain??!
Yara: (buntong-hininga ulit)
Lalaking Walang Breeding: Kami pa ang binabaligtad mo??
Yara: Sige na nga po, Sir, ako na kunwari ang sinungaling. Pero sinabi ko po talaga na bawal magdala e.
Lalaking Walang Breeding: Wala ka ngang sinabi eh!!
Yara: Wokay.
Lalaking Walang Breeding: Nanggaling na nga kami dito last year e!
Yara: Edi dapat po alam nyo na ang mga policies?
Lalaking Walang Breeding: (sabay tingin sa akin) I want to talk to your supervisor!! Hindi mo ginagawa ng mabuti ang trabaho mo e!!
Yara: (then I want to talk to your parents. di rin ata nila nagawa ng mabuti ang pagpapalaki sa inyo e) Okay. Wait lang po~

After nun, dumating ang bisor ko. Pinapasok nya ako sa office. Inaway din sya, pero naniniwala naman sya sa akin. Pulido naman akong magtrabaho e. Tas nung nag check-out yung guests, amf, grabe daw ang dumi at ang kalat ng kwarto. Tas may mga dura dura pa daw sa sahig. Wala talagang breeding.

4) May mga guests na nagpupumilit pumasok sa loob ng resort ng walang bayad kasi 2 hours lang naman daw sila at hindi sila maliligo. Di ako pumayag. Ang tagal na ng usapan namin, di pa rin ako pumayag. Nagwala na yung guest, di pa rin ako pumayag.

Nag-aamok na Guest: Bahala ka sa buhay mo!!

Talaga lang. Iniwan ko sya. Kala nya papayag ako? Ha.


Syempre mas matindi pa ang banatan nito sa summer. Mukang tatagal ako.

No comments: