20 June 2012

SUPERPOST: Randomness

Bakit ba parang gulat na gulat ang mga tao dito kapag ang baon ko e hindi hotdog? Marunong naman ako magluto ah, tamad lang talaga. Ginagawang big deal pag namili ako ng kamatis (para sa sardinas), patatas (para sa corned beef) o kaya chicken cubes (para sa noodles). Kala siguro nila di ako humahawak ng kutsilyo. Haller, expert kaya ako gumamit non kapag nagbubukas ng de lata!

******

Lalong naging estranged ang relationship namin ng amo ko dahil sa: (1) hindi ko matandaang pangyayari nung padespedida ni Kuya Ando -- malamang may nagawa o may nasabi ako sa sobrang kalasingan ko [mahabang story, sad pero naka move-on na ako]; at (2) hindi ako pumirma sa petition letter para hindi sya ipa-transfer ng ibang outlet. Kaya ayun, ang lamig na namin sa isa't isa. Siguro sa loob-loob non "etong si Yara akala ko mabait pero hindi pala."

Nabulag ka lang rin.

******

Regarding naman sa hayup na yun...ikakasal na sya next month, wahahaha. Dahil sa lagi kami magkausap (at madalas din namin pag-usapan ang kasal nya), nararamdaman kong nag-aalinlangan pa sya e. Ayoko naman isipin na may kinalaman ako dun, pero kapag nag-ooffer sya ng paghatid sa gabi tas nag-aaya syang kumain sa labas pag break time, hindi kaya may ibig sabihin yon?

******

/// Mapagpanggap na Wakwak \\\



******

Nitong mga huling araw, napapadalas ang paglalakwatsa namin nina Ate Christel, Ate Jinky at Pearl. Dubai, Bawadi, Abu Dhabi. O kaya sa bahay ni Mustapha. Nakakatuwa rin naman kasi parang ang girly kapag puro babae ang kasama mo wehehehe.

******

Bumili ako ng camera. At since ng pagbili ko e isang beses ko pa lang syang nagamit at ngayon e nakapatong lang sa lamesa katabi nitong netbook ko. Parang ngayon ko nalang ulet naalala na meron pala ako non.

******

Sa wakas e tinanggal na ako sa Play Area. Goodbye sa paglilinis ng pintuan at bintana. Goodbye sa paghahabol sa mga batang tumatakas. Goodbye sa mga magulang na ayaw magbayad ng extension hour. Goodbye sa mga kadama na hindi marunong maglinis ng pinagkainan ng mga alaga nila. Hello sa pagpupunas ng glass display. Hello sa paggawa ng tickets para sa Tickety Boo. Hello sa pagkukumpuni ng ticket station dahil lagi syang sira (sarap pasabugin). At hello sa ka-partner kong Egyptian na suuuuuuuuuuper baho.

Tatagal ba ako? :))

******

Kinausap ako ng Bisor namin. Pakiramdam ko e bini-build-up nya ako para sa susunod na Leadership Training echos na syempre e tatanggihan ko ng buong puso at buong pwersa. Yoko nga.

******

Regarding naman kay Bespren...naka move-on na ako. Hindi ko na kinukumpara yung schedule nya saken, hindi na ako palapunta sa staff room para madaanan sya, hindi na ako tumatambay sa area nya para makipagtawanan, hindi na ako umaasang kasama sya pag may inuman, hindi ko na binabalik-balikan ang nakaraan, at hindi ko na rin naiisip yung "sayang" dahil nahuli ako sa buhay nya.

Congrats, Yara.

Yung hayup na yun na lang ang pwedeng gambalain. Pigilan ang kasal!!

******

Apektado talaga ako dyan sa MegaUpload na yan. Dahil sa kanya, nagsara ang community ko ng asian dramas/movies kaya di na tuloy ako makapag-download. Wala na rin masyadong nag-uupload sa d-addicts kaya kahit torrent di ko maasahan. In the end, nanonood na lang ako online para sa jdramas. Ana misqin.

At speaking of jdramas, sobrang pinagsisisihan ko na hindi ko agad pinanood ang Tiger and Dragon nung pagka-download ko sa kanya one year ago. Dahil recently ko lang sya sinubukan tapusin at sa napakasamang-palad, ayaw mag-open ng last episode. LAST EPISODE. At san ko sya nadownload before? Sa MU. At wala na sya ngayon. Wala na ang last episode. Kamote.

******

Grabe ang inet. Kung yung mga Pilipino nga post ng post sa FB dahil 30C ang Pilipinas nung summer, e aba naman. Kami dito bukod sa sandstorm e tagaktak ang pawis namin sa 41C. Yung araw parang nakabalot sa katawan mo e, hindi lang sa ibabaw ng ulo mo.

******

At kapag umulan naman sa Pinas e umuulan din ng post sa FB tungkol pa rin sa ulan. Mirakulo? Last time ako nakakita ng ulan dito e last year pa ata e. At yung last year na yun e parang first time ng mga kabataan. Aliw na aliw sila. Naka-video pa.

******

Tinatabla ko si Sri Lankan/Pilay dahil dinelete nya ako sa FB. Ume-emote? Sabi nya nagloloko daw FB nya dahil bukod saken e madami din namang iba pang nawala. So nung natanggal ang number ko sa mobile nya, aksidente din ba?

******

"You are really a good staff. You're always smiling. You don't talk back. You never shout. When you're feeling bad, you stay at the staff room or cafeteria and drink your coffee, and kalas, you're okay. I really like that about you, so please don't change your attitude."

Napansin siguro ng bisor namin na umiyak ako nung na-highblood ako sa ka-partner ko. Hay.

******

So malapit na ang birthday ko. Huwaw! Ang galing naman, parang kelan lang ang cute cute ko pa, tas ngayon... ganun pa rin (nyahahaha!!) Boses yung tinutukoy ko ha. Yan tuloy, bata o matanda, single, may-asawa o matrona, kaibigan o feeling kaibigan... lahat sila nakikigaya. Jusme kahit naman anong pa-cute ang gawin nila sa boses nila para gayahin ang akin, tunog bakla pa rin sila. Acheche!! Mga 'chusero at 'chusera.

******

Speaking din of birthday, di ko pa alam kung maghahanda ako kasi syempre magastos yun. Sana may magmagandang-loob. Hehehe.

******

Meron palang lumalandi saken na napakayamang Pinoy na nagtatrabaho sa isang bigating kumpanya. Halakhakan din naman pag kasama ko sya, kaso naman pamilyado na.

Sabi na eh, sila talaga ang target market ko. Seducer ba ako ng mga sinners? Hayyyyy.

******

Apektado talaga ako sa pag-resign ni Bingi. Hindi ko rin inexpect pero siguro ngayon lang nag-sink in talaga na wala na akong magiging kakuntsaba dito. At dahil dyan, medyo nagsisimula na yung katamaran ko. Ilang araw na din akong nagbabalak umabsent sa trabaho although nananaig naman ang pagiging good staff ko (echos~). Para rin tuloy nakukumbinsi na ako ng nanay ko na bumalik na sa Pinas sa Nov. Kelangan kong pag-isipan to ng maayos. Ako pa naman si biglaan.

******

Lord sana po mataas ang increment ko para naman madagdagan ang pambili ko ng pagkain buwan-buwan.

Thank you po.

No comments: