Maiiba na talaga ang lifestyle ko ngayong wala na ang habibti ko.
Iba talaga pag nakakilala ka ng taong talagang alam mong may part sa buhay mo. Yung tipong thankful ka dahil naranasan mo ang maraming bagay dahil kasama mo sya. Yung tipong alam mong sya lang ang taong pwede mong makasama sa mga karanasang tulad non.
Halakhakan hanggang sumakit ang mga panga namin (halos maluha-luha na rin ako nung nag-dinner kami sa town kasama sina Philip at Jason). Nakakawala ng stress kausap ang mga baklang yon!
Uminom sa ibang bahay o kaya sa bar kasama ang mga taong first time pa lang nakilala (may common friend naman). Kasama na rin dyan ang pagtakas sa madaling-araw (mostly dahil may mga masamang elemento sa kapaligiran).
Uminom sa mga random na pagkakataon (actually kung halos every day-off sya nangyayari, di na siguro masasabing random yun diba?) Oo, sinadya ko na ipalipat sa Monday ang off ko para itapat sa kanya at sa off ni Kuya Ateng. Syempre kung kaming tatlo ang magkakasabay, automatic na yon.
Maghanap ng makakain (o makakainan) kung ano mang oras tumapat ang pangangailangan. Kaya salamat sa Pizza Hut dahil 3AM sya nagsasara. At kapag medyo tipid, sa Al Joulan nalang. Kahit maglakad pa ng 1KM, basta pagkain ang patutunguhan e walang problema!
Lumakwatsa kasama si Pilay. Nami-miss ko rin naman yung combo namin.
At sa kanya, pwede akong maging demonyita. Sabi ko masama ang dila nya. Sabi nya masama ang utak ko. Salamat at may taong hindi nasisilaw sa mga ngiti ko at nahuhumaling sa boses ko. Wahaha.
Kaya ngayong nasa Pinas na sya (at iniinggit ako sa mga kinakain nya), medyo lie low muna ako sa maraming bagay. Di na ako makakainom basta-basta kasi wala na ako mayayaya, ahuhuhuhu (actually dun ako pinakang concerned e). Kalungkot talaga.
Isang taon mahigit na sya dito sa UAE nung dumating ako. Masasabi ko naman na ako ang pinakang pinagkakatiwalaan nyang tao. Masasabi ko din na ako talaga ang kasundo nya sa kalokohan at maraming bagay. Kaya ang wish ko naman para sa sarili ko, sana may dumating din para saken. Sana bigyan din ako ni Lord ng kaakibat.
Buti naman may chat. Napapasaya pa rin namin ang isa't isa.
No comments:
Post a Comment