Pagbalik ko sa Pinas next year, sana marating ko ang mga lugar na ito:
1) Tagaytay
Parang huli kong punta dito e nung grade 5 pa ako at naaalala ko pa na ako lang ang bukod tanging estudyante na hindi sumakay dun sa bike rental dahil ako lang ang di marunong mag-bisikleta. Pwes, this time, ipapakita ko sa kanila ang biking skills ko. Bwahahaha!
2) Enchanted Kingdom
After 11 years, babalikan ko rin ito. Wala pa akong picture sa lugar na ito e kahit 3x na ako nakapunta. Pwes, this time, kahit i-video ko pa sarili ko. Bwahahaha!
3) Avilon Zoo
Nung huli ako nakarating dito, hindi pa sya fully tapos. Sana naman next year buo na sya diba para masulit ko naman ang entrance fee*coughManilaOceanParkcough*
4) Star City
Jusme, ako nalang ata ang di pa nakakarating dito. Kahit nga pamangkin ko na wala pang kamuwang-muwang nakapunta na e. Dami pang mga pi-nost na pictures! Inggitera na naman ako.
5) Somewhere in Batangas
May nabasa akong travel blog about Batangas e, tas may tinutukoy syang beach na hindi pa ganon kakilala kaya super maganda daw. Sayang di ko nai-bookmark. Hanapin ko pa muna ulet.
6) CamSur
Kala ni kuya sya lang?? Hmph.
Ayan, ganyan talaga pag maliit lang ang budget para sa lakwatsa. Tas maigsi pa ang panahon na pwedeng ilaan sa mga lakad. Pero kung makakaya, basta ipapasyal ko pamilya ko kung saan saan. Pero KKB, hahaha.
Kaya nga simula last month, nag-iipon na ako e. Pero ewan ko ba pagdating sa pagkain bakit di ko mapigilang humugot sa pitaka?
Lord, bakit nga po ako ipinanganak na masiba?
1 comment:
pag punta ko dyan ako muna ipasyal mo...hehehe
Post a Comment