16 February 2012

Ako Pa Ba ang May Sala??

Nalaman ko dahil sa kadaldalan ni Mychal kung bakit galit sakin si Pilay. Pero bago pa yon, napansin ko nung mga dalawang gabi na ang nakakaraan na di-nelete pala nya ako sa FB friends list nya. Kaloka!

So ganito pala ang istorya:

Last last week, niyaya nya ako sa Global Village. Matapos ang 3 araw na pag-iisip, pumayag na ako sumama sa kanya. Nakiusap pa sya sa manager namin para palitan ang off nya. Edi ang naging usapan, Tuesday 3PM kami aalis. Lunes ng gabi nakipag-inuman ako, pero kahit na tinatamad nako umalis, talagang bumangon naman ako para sa 'date' namin. Nakabihis na ako, naghihintay sa tawag nya, at nung 4PM na ako na ang nagbawas ng CP load para tawagan sya. Ang lolo mo kagigising lang. Yun pala, uminom din sya nung kinagabihan kaya ayun, bagsak sya hanggang hapon. Sabi sakin, kain na lang daw kami sa town center kasi masyado nang late kung pupunta pa kami sa GV. Edi sabi ko okay lang.

Pero hindi yun okay!! Isipin mo naman, nakabihis na ako tas plinantsa ko pa yung damit ko ha. Kahit lasing lasing ako, bumangon ako ng 2PM para magprepare. In a way, excited na rin ako kasi gusto ko talagang makapunta sa GV, tas tutulugan nya ako! Kasama na ng katamaran at pagkadismaya, nagtext ako sa kanya sabi ko wag na kami lumabas. Sabi nya ok lang.

Pero hindi rin pala yun okay!! Sabi sakin ni Mychal, nagtampo daw ang Pilay gawa ang hirap hirap daw makiusap kay manager na makipagpalit ng day-off (actually sa tingin ko sya lang naman ang pinahihirapan non bilang pang-asar, kasi pag kami naman ang nakikiusap, ang bilis nya um-oo) tapos tatamarin lang ako lumabas. Kaya ayon, siguro kasama na rin ng reyalidad na hindi ko naman sya sasagutin, may nabuong sama ng loob sa pagkatao nya, at hindi na nga ako kinausap simula non.

Anu ba yon, may tampo effect pa sya e sya naman din ang dahilan ng pagkatamad ko. Ay naku. Pero kanina, napansin ko na parang gusto nya na makipag-usap kasi medyo lumapit sya sakin e sabay alanganing ngiti. Di lang sya makaporma kasi lagi akong may kadaldalang lalaki, hahaha. Bunganga ko non-stop na naman.

Pero gusto ko naman talagang maging okay na kami. Syempre, si Pilay pa rin yon. Pero wag nya akong drama-dramahan ng ganon ha. Dapat ma-realize nya, pusong bato ako. Asa syang aamuin ko sya. Haller.

No comments: