05 October 2011

hina-highblood ako! X-{

pakshet talaga pag pinapakialaman ng ibang tao ang mga gamit mo lalo na pag mga personal na bagay.

okay lang naman kung halimbawa e gamitin ang charger mo o kaya e kainin ang mga pagkain mo sa ref. pero pag binasa nila ang cellphone inbox mo, super PAKSHET to the max level yon.

at mas malupet pa kung dalawang beses kang gagaguhin ng ganon.

akala naman nya hindi ko malalaman? kung marunong syang magtago ng mga kalokohan nya, edi sana hindi sya nabubuking sa bawat semplang nya sa buhay.

putek, nakaka-high blood talaga.

sabi ko sa sarili ko na kapag nagka-boyfriend o asawa ako, hindi ko ipapaalam ang mga password ko sa email, etc. kasi private pa rin yun e. tas sya na isang kasambahay ko lang e pakikialaman ang mobile ko?? tas mag-popost pa sa wall nya ng "SABI NA NGA BA EH." ay jusme. Lord, pakiusap pahabain nyo po ang pasensya ko.

kung gusto nya ng gaguhan, mas marami akong alas kesa kanya. yun ang mali nya, magsisimula sya ng problema na hindi naman nya kayang ipanalo. ay naku, talaga lang. pag nakita ko sya dapat ata ilagay ko kamay ko sa bulsa kasi baka masapok ko sya ng wala sa oras.

hayyyy, dugo. utang na loob, bumaba ka muna kasi sasabog ulo ko.

No comments: