Sa totoo lang, may kanya-kanya tayong trip pagdating sa kalasingan.
Halimbawa....
Si William nagsusuka.
Si Pearl naliligo.
Si Johanna nagbabasag ng gamit.
Si Kuya Ateng natutulog.
Si Ate Grace nandadaya ng tagay.
Si Sir Chinmay nagsasayaw.
Si Fazzly mas napapraning.
So ano namang kakaiba kung ako e nagpapahangin sa bakuran o sa rooftop?
Bilang eksplanasyon, sa Pinas kasi sanay akong uminom sa may garahe, bakuran, open pavilion, balkonahe, hardin, bahay kubo... Kumbaga, mga open areas yun e. Yung bunbunan ko nakakaramdam ng totoong hangin. E dito sa UAE, hindi pwede sa mga open areas. So laging sa loob lang ng kwarto at sinusitis lang ang inaabot ko dahil sa aircon. Kaya kapag pakiramdam ko e nalalasing na ako, naghahanap na ako ng sariwang hangin. At yun na nga ang nangyayari kapag nawawala na ako sa loob ng kwarto.
Okay, so delikado sa labas dahil baka bigla na lang akong bingwitin ng mga Patan at ng kung ano-anong halimaw at aswang. Kaya nagpapasalamat na rin ako sa mga taong madalas maghanap sa akin at damayan ako sa trip ko.
Kaya pramis ko sa sarili ko, NEVER akong iinom ng wala si Mychal o si Amador.
Suntok sa buwan!
2 comments:
ingat sa pagiinom...napapadalas k na huh,.pag ikaw tinamaan ng sakit na ulcer
hnde, ang alam ko sakit sa liver e..
Post a Comment