yahoo.
so nasa akin ulit ang problema. alam ko naman e. ako ang unang nanlamig. kelan daw ba ako pupunta ng dubai? (kapag sinipag ako); bakit ako parati busy at di ako makatext sa kanya? (nagtitipid ako sa load); bakit ko sya tinanggal sa friends list ko sa fb? (dahil yung asawa nya naghahanap ng paraan para makontak ako); bakit daw nababalitaan nya na ang dami kong admirer? (e sori sya karamihan ng lalaki sa paligid ko maganda ang taste...nyahaha)
so ayun. tas napakawalang buhay ko kausap. e panu ba naman andyan si roommate na ex nya, so malamang talagang lalabuan ko pag-uusap namen diba. gusto nya sweet-sweetan ako? AKO??
at syempre nag-isip ako ng mabuti ulit. sige sabihin na nating mayabang pa din sya, mataas ang pride, mapanghusga, mapagselos, tas mapangduda pa.. pero alam ko na naman yun dati pa e, kahit nung panahong hindi pa nga sya nanliligaw. so actually, walang nagbago sa kanya. same SonMar since nung una ko syang nakilala. ako lang talaga ang problema.
at ganito yun:
una, wala kami sa same wavelength. hindi nya talaga ako kayang basahin. since hindi nga ako vocal sa feelings at iniisip ko, lagi nya nami-misunderstand ang karamihan sa actions ko. reading between the lines? di uso sa amin yun. in short, hanggang ngayon, hindi pa rin mag-match ang utak namin. hindi nya kayang tapusin ang linya ko, at hindi rin nya kayang intindihin ang ibig sabihin ng titig ko. hindi ko alam if it is asking too much na sana yung mga gestures ko e ma-gets naman nya...five months na kami magkakilala. masyado pa ba maaga?
pangalawa, buhay
pangatlo, eto na nga yung OoS-OoM syndrome. dati, feeling ko mas okay yung mga long distance relationship. turns out, ako pala yung tipo ng taong maglalaho after a while. siguro madali ako maka-adjust sa absence?
so in short, hindi ako girlfriend material. sori sa kanilang lahat na nagpaparamdam sa akin, pero kung yung unang layer ko lang talaga ang kaya nilang makita (unang layer = pala-ngiti, pala-apir, pala-tawa, pa-tweetums, pakonting suplada, pakonting pang-aasar, ganyan ganyan), hindi nila masasakyan ang totoong ugali ko. high maintenance ika nga.
actually, kahit sa mga friends ko ganyan din naman ako e (hindi yung mga feeling close ha). sino lang ba ang talagang nakasakay sa ugali ko? yung kilala ako sagad sa kailaliman ng maitim kong kaluluwa? iilan lang talaga sila (salamat nga pala sa mga taong yun).
tas yung mga nagpaparamdam na yan e hahanapan ako ng lambing sa balat ko? mga adik.
at back to SonMar. mukang malabo na 'to ah. ewan ko lang pag nagkita na ulit kami. pag wala yung spark, patay na.
sa totoo lang, i just checked yung albums nung asawa nya sa fb. tas inisip ko, bakit ba di na lang nila i-repair yung relasyon nila? nakangiti naman sila sa pictures, so ibig sabihin pwede silang sumaya diba? andyan na yung asawa at anak nya e. ano ba kaya kong ibigay na hindi nya makuha sa pamilya nya? hindi na rin naman ako physically close sa kanya. tas ganito pa pag-uugali ko. wala akong maisip na dahilan para i-keep pa nya ako. gusto ko itanong sa kanya 'tong mga 'to, pero pag magkausap kami hindi ko naman magawa. honestly, gusto ko sumaya sila ng family nya. as in kahit maitim kaluluwa ko, bukal sa puso ko yung wish na sana mabuo sila, kasi kapag nangyari yun sigurado akong sasaya si SonMar e. gusto ko maka-achieve sya ng totoong happiness, as in. ayokong mag-ilusyon kami na sa akin nya makukuha yun. so siguro huli na ang lahat para sabihin ko 'to, after all, sinagot ko sya. pero hindi pa naman too late diba? itama na ang dapat itama. kung malungkot at masaktan man ako, akin na lang yun. mataas naman tolerance ko sa pain. basta.
No comments:
Post a Comment