Nung una kong nalaman na sa Jimi (Al Ain) ako i-aassign, sa isip ko lang "Jimi??" Tas text agad ako kay Daddy para i-research kung saang lupalop ng UAE ang Al Ain. Pero super salamat Lord at dito ako napunta.
At bakit gusto ko ang Jimi? Malamang biased ang rason ko, pero syempre may mga naririnig rin naman akong kung ano-ano regarding sa ibang outlet diba. Pero in an objective point of view, eto ang mga dahilan:
(1) Madalang ang bisita ng mga amo
Since malayo kami sa syudad at 2 hours ang byahe from Dubai or Abu Dhabi, medyo hindi kami pinapansin ng mga amo sa Main Office. At dahil walang mga mata sa paligid, maluwag ang management.
(2) Konti ang customer
Hindi naman sa nagmamayabang, pero alam ko namang masipag at masinop ako pagdating sa trabaho. Pero syempre, kapag kayang magpahinga at mag girgir lang buong araw, why not diba?
(3) Si Sir Chinmay ang manager
Sabi ni Bachan, kapag natuloy ang bali-balitang ita-transfer si Sir Chinmay sa ibang outlet, mag-sstrike ang staff at mag-aapila sa HR. Ganyan kalakas ang manager namin sa amin. At sya rin ang pasimuno ng inuman paminsan-minsan.
(4) Si Ate Grace ang supervisor
Sya daw ang pinakamataas na bisor (of all outlets) ayon sa ibang staff. At professional din yan, pramis. At isa pa yang nauuna sa inuman.
(5) Wala masyadong gastos
Dahil probinsya kami, walang pasyalan masyado, Walang mall masyado. Nilalakad lang ang outlet mula sa bahay kaya di kailangan mamroblema sa pamasahe in case maiwan ng service. Mas mura ang mga bilihin (daw). All in all, basta marunong kang mag-ipon, hindi ka mamumulubi.
Sabi rin ng ibang staff, Jimi daw ang pinakapasaway na outlet. Dahil nga maluwag ang management tas astig pa ang manager at mga bisor, talagang hindi kami palasunod sa rules ng company (e.g. bawal ang mobile sa floor, bawal mag chewing gum, bawal ang di naka-tuck-in ang shirt, bawal ang hindi nakapuyod ang buhok ng babae, bawal pumunta sa boys' accom and vice versa, bawal magyosi at uminom, etc.) Kaya nga ang saya ng mga staff na natatransfer sa amin e. At talagang naninibago ang mga Jimi staff na nalilipat sa ibang outlet. At kaya rin ang mga staff na matagal at nagka-ugat na sa Jimi ang mga pinakapasaway sa lahat.
Hinding-hindi ko ipagpapalit ang Jimi. Super love ko dito.
No comments:
Post a Comment