26 July 2010

In the Middle of those KINIKILIG SILA Moments

As per advised, sinusunod ko naman ang lesson#1. I think everything was smooth, after all, text lang naman yon. At syempre, nung nagkita na ulit kami in person...sabihin na lang natin na I screwed up.

Sa totoo lang, kahit na I think that the whole idea of courtship, especially since I am on the receiving end, is super troublesome, nakaka-guilty rin pala kapag wala man lang akong ginawang effort para naman makilala pa ng mas mabuti or makasama man lang sya, tas I’ll screw up pa. I tried to fix things, ewan ko lang kung effective. At apektado ako ha. Ano nga bang problema sa ‘kin? Why can’t I just be normal?? Siguro naman I have the capacity para kiligin para sa sarili ko diba? Nakakainis. Apektado talaga ako.

Syempre, balik ako sa lesson#1. Nag-text ako sa kanya.

No reply.

At syempre, nag-antay ako ng ilang minutes pa.

No reply pa rin.

Pakshet, eto pala feeling pag ako ang ka-text, nakakainis! Yung hindi mag-rereply sau after ng effort mo para mag-text. E at least sya pwede kong i-deduce na baka wala lang load, e ako imposibleng mawalan diba?! Para kong ka-text ang sarili ko ah. Now I know the feeling.

Stupid courtship! Ginagago ba ako nito??

Anyway, hindi yun para sa kanya. Try ko nalang bukas kung papansinin nya ako. Sabay naman kami ng schedule e. Promise, I’ll be a better person. Anu pa ba pwedeng gawin? Magbabaon ba ako ng food para sa kanya? Pampadagdag naman yun sa laman ng bag. Umm...magdadala ako ng gamot kasi masama daw pakiramdam nya kanina. Psshh, dadaan pa ako ng Mercury Drug non. Ah siguro dadaanan at dadalawin ko nalang sya sa pwesto nya bukas. Kaso malayo pala yun sa ofis ko, maglalakad pa ako. Huhuhu, hindi ko ata kayang maging better person. Ideas pa nga lang tinatamad na ako, panu pa kung actual na?

In short...I’m doomed to a single life.

No comments: