So we had our Operations Xmas Party last night, at swerte ko naman na day-off ko ngayon diba. As expected, mas masaya sya this year compared to last year kasi naman ang corny kung yung office lang ang may party. Mas lalo lang namin nilalayo at itinataas ang posisyon namin compared sa mga maintenance, lifeguard, at chambermaid.
At syempre, wala na rin nagawa si Boss nung nagsimula na buksan yung mga Matador at beer at tequilla (sarap nun!). Asa naman kasi sya na tranquil lang party namin diba. Saang party walang inuman? Atsaka haller, maintenance?
I think after ng party nag-swimming pa ata sila e, bumalik na ako sa office kasi may sasagutin pa akong MEMO. Goodluck diba. I'll make sure not to get involved na sa mga companies run by a family with conflicting family members, kasi kapag naipit ka, patay na. They'll talk behind each other's backs, try to find lapses in each other's works, look for each other's mistakes, pero in the end, IKAW pa rin ang may kasalanan. Ang labo noh?
At habang sinasagot ko ang memo, naglalandi naman si Mr. Feeling Popular, probably dahil pa-resign na sya sa resort at ako na lang ang babaeng di pa nya nasubukan landiin at ligawan. Pagbibigyan ko ba? Well, pumayag ako sumama sa night bar diba?
Bago pumunta sa bar.
Mr. Feeling Popular: Sama ka sa akin pagkatapos.
Ako: E antok na ako nun. San tayo pupunta?
Mr. Feeling Popular: Edi papahinga lang tayo.
Ako: Di ako makakapagpahinga kasama ka.
Sa bar.
Mr. Feeling Popular: Okay ka lang?
Ako: Oo.
Mr. Feeling Popular: Sigurado ka?
Ako: Uh-huh.
Mr. Feeling Popular: Kapag nahihilo ka, patong mo lang ulo mo sa balikat ko.
Ako: Iced tea lang 'to...
Habang nakaangkas sa motor.
Mr. Feeling Popular: Yakap ka sa akin.
Ako: yakap naman
Mr. Feeling Popular: Higpitan mo pa.
Ako: Gaano ba kahigpit gusto mo?
Mr. Feeling Popular: Mahigpit na mahigpit!
Ako: Di naman ako mahuhulog!
Pagkahatid sa bahay.
Mr. Feeling Popular: Pa-kiss naman.
Ako: Wag na.
Mr. Feeling Popular: Sige na...
Ako: sigh
Well, pinayagan ko naman pero sa pisngi lang. Kung walang ilaw yung poste sa harapan ng bahay namin, baka mas sinwerte pa sya. Pero sa tingin ba nya sa mga hirit naming dalawa, makukuha nya ako? Hay.
No comments:
Post a Comment