13 October 2009

cme boracay pt 2

AT SA BANDANG HULI..

YARA: (to Operations Supervisor) Kuya, tatanggalin na ata ako sa Operations...hahayaan nyo nalang ba ako mawala?

Aminado, naiisip ko nang mag-resign. Pero tamad lang ako maghanap ng malilipatan. Last summer, sabi ko maganda mag-resign mga around September or October this year. E ngayon na yun e! So sabi ko sa sarili ko, mga bandang January or early February nalang, para makapag-adjust pa yung papalit sa akin before mag-summer. Para naman hindi magulantang.

Pero nung biglang ipinasok nila ako sa Sales Dept, naisip ko, ayokong mawala sa Operations. Kahit pa paabutin pa nila ako hanggang sa Summer 2010, okay lang, wag lang ako mapunta sa Sales. Nakayanan ko i-handle ang Front Desk at Housekeeping ng sabay this summer, syempre kaya ko din yun next year. Kahit bigyan pa nila ako ng one-year bond, tatanggapin ko din, wag lang ako mawala sa Operations.

Pero ngaun, inuunti-unti na ako ah. Nabigyan pa ako ng memo na kailangan ko na i-give-up yung iba kong trabaho sa Operations. Ayun na ang simula.

Kapag nag-resign naman ako, sino nang aako ng tatlong trabaho ko? Sinabi ko pa naman na kung umalis man ako, di ko sila iiwan sa ere. Hindi sa panahong kritikal na, o kaya yung wala akong mapag-iiwanan ng trabaho. Sa dalawang trabaho nga, di ko alam kung kanino ko ipapasa, e patay na! Nadagdagan pa.

Nakaka-stress.

No comments: