13 November 2008

Tila alam ko na kung ano ba talaga ang role ko sa kumpanyang ito. Ako ang taga fill-in sa mga empty slots na ayaw gawing responsibilidad ng ibang tao dito. Halimbawa:

1) Nung nag-resign si Front Desk Supervisor at hindi tinanggap ni Aby ang posisyon (dahil obviously, ayaw nya ng mga responsibilities although sya ang SENIOR), hinayaan lang nila ako mag day-off at kinabukasan pag pasok ko sa work, nginitian nila akong lahat at sinabihan na nagbotohan daw sila nung day-off ko, at ako ang nanalo bilang Front Desk Lead Officer. Bravo.

2) Nung nag-focus si Client Relations and Marketing Manager sa sales, ako na daw ang bahalang mag-handle ng guest complaints, requests, etc. pagpatak ng 5pm (kasi si Bisor e umuuwi ng ganung oras). Lalo pa dahil alam nilang matigas ang loob ko pagdating sa mga nang-aaway na clients (kalmado lang daw kasi ako at hindi nagpapanic sa mga kagimbal-gimbal na sitwasyon). Kaya nga forever 2pm-10pm na daw ang shift ko. Ako lang ang takbuhan ng mga tao sa gabi. Panalo.

3) Nung biglang dinala si Housekeeping Supervisor sa CME Real sa Quezon para ayusin ang ilang bagay-bagay doon (1 week lang naman daw yon), ako daw muna ang pupunta sa Housekeeping Department at ang magtutuloy ng trabaho nya pansamantala tulad ng...sa totoo lang, kelangan ko pa sya kausapin kasi di ko naman alam kung ano nga ba ang mga trabaho nya e. Wala naman kasing proper endorsement, pero sa pagkakarinig ko, may kinalaman sa paggawa at pagsumite ng daily report, payroll, schedule, at invetory. Blah.

At ang nakakapanggigil pa dito, nangyayari ang lahat ng yan ng hindi man lang ako binibigyan ng kontrata, memo, o kahit na anong papel na pwede kong panghawakan. Puro pasabi lang. Kung ano-ano ang posisyon na binibigay nila sa akin (dahil alam naman nilang di ako tatanggi), e hindi ko naman alam kung hanggang saan nga ba talaga ang scope ng authority ko. Hindi ko na alam kung ano ba ang job description ko dahil tila nag ooverlap na ang lahat-lahat.

Gusto ko sana ipaalam sa kanila na hindi ako dakila. Hindi ako masipag. Hindi ako matiyaga. Sabi sa akin ni Bisor, ako daw kasi ay magaling, masipag, at matiyaga. Ha? Diba kasasabi ko lang?? Tiwala daw sya sa akin. Psshhh. Ayaw nya lang kasing sa kanya itambak ang lahat ng iyon. Sabagay, mas busy sya kesa sa akin. Pero kahit na. Overly-abused na ata ang mabait na batang tulad ko.

No comments: