ISANG BAGSAKAN NA LANG
Ang weird ng phone ko. Naghahalo yung mga pangalan, naghahalo yung mga messages, nawawala yung sent items...ang weird talaga. Kinakabahan tuloy ako magtext. Baka mamaya ma-send ko kay *tooot* yung dapat e para kay *tooot*. Kakatakot kaya.
***
Habang tumatagal, lalong umiinit ang mga usapan dito sa loob ng opisina. Ang topic kahapon -- virginity. Yung mga tao dito, wala man lang konsiderasyon. Kwento ng kwento, di man lang tanungin muna kung balak ba ng lahat makinig. Kumbaga -- paki ko diba? At di bale sana kung matatapos yung usapan ng sila sila lang. Kaso bigla silang napatingin sa'kin, sabay ngiti. Patay na.
***
Dahil sa Eyeshield 21, nanonood ako ngayon ng American football sa YouTube, at binabasa ko sa Wiki yung rules. Di ko pa rin sila maintindihan.
***
Tuwing gabi, nagpapasundo na ako kay Daddy sa may main gate ng CME. Menos gastos din yun sa pamasahe. Kaso, ang hirit naman ni Ate Ermie, paano naman daw ba ako magkaka-boyfriend kung gabi-gabi e sinusundo ako ni ama sa gate? Kung titingnan ang sked ko, totoo naman na tuwing aalis ako sa bahay e sa resort ang diretso ko, at pagkatapos ng duty, diretso uwi din ako. Onga noh. Walang pagkakataon makahanap ng pag-ibig. Haha, di bale na.
***
Yun palang pamilya ko, mukang uuwi sa probinsya sa Pasko at Bagong Taon. Kawawa naman ako, naka-duty. Tas pag-uwi ko, mag-isa lang ako sa bahay. Ang lungkot. Huhu.
***
Nakasabay ko si Cherissa sa dyip isang beses. Chika lang.
***
Sinubukan kong mag-shopping mag-isa last week. Kasi naman, dapat e tatagpuin ako ni Kim, kaso pinauwi sya ng maaga ng nanay nya. Si Mommy naman, ayaw ako samahan. Amf, pagkalipas ng mga 2 oras, naghahanap na ako ng saklolo. Hindi ako marunong mamili. Yung mga sales lady, tingin na ng tingin sa akin kasi kanina pa ako paikot-ikot. At naaasar naman ako kapag tinatanong nila ako kung anu yung kailangan ko. Hinding-hindi na ako mag-aattempt mag-shopping mag-isa. Wala akong talent.
***
Ang lamig lamig naman, bumabagyo.
***
Gustong-gusto ko na magbakasyon. Huli kong uwi sa probinsya e last year pa ata. Stressed na ako dito, gusto ko magpahinga, kahit mga 3 araw lang. Makalanghap man lang ng sariwang hangin, makaligo sa ilog o dagat, mang-away ng mga maliliit na pamangkin, at makatagay kasama ang mga pinsan.
***
Anim na buwan na, wala pa rin ang separation pay ko sa 5J. Sobrang napipika na ako. Linggo-linggo na lang, tumatawag ako sa HR para i-follow-up. At linggo-linggo na lang, sinasabihan nila ako na tumawag ulit next week. Grabe naman. Mas matagal pa yung sweldo kesa sa itinagal ko sa kumpanya. Kilala daw ni Daddy ang HR Manager ng 5J, sya na daw ang bahala. Sana makatulong.
***
Masarap magkape. Hmm..caffeine~
***
Nito ko lang nalaman na hindi pala ako unli-text sa Sun. Unli-call lang. Hala talaga.
No comments:
Post a Comment