Nitong Sabado nagsimula ang lamay para kay Mamang. Nakakatuwang isipin na ang daming taong nagpunta sa burol, mapa kamag-anak man o mga kaibigan. Sinasabi ko nga kay Mamang na ang daming taong nagmamahal sa kanya, walang kabola-bola. May mga lumuwas galing sa malalayong probinsya, may umuwi galing ibang bansa, may mga dumating na mas matanda pa sa kanya pero kinaya pa rin para lang makita sya. Kapag tinitingnan ko yung mga bisita, di ko naman kakilala yung iba, pero nagkekwento sila tungkol kay Mamang at sa kabataan nila. Marami din silang nakitira sa bubong nila Mamang at Papang, mga di namin kadugo, pero naituring nang kapamilya. In a way, nakaka-uplift ng loob kapag maririnig mo sila, tas dumayo pa talaga sila para lang magpaalam at makiramay.
Katulad din sa iba, hindi naman masyadong solemn ang lamay. Naging mala-reunion e. Pero okay na din yon, kahit nga ako masaya nung mga oras na yon. Mga pinsan at pamangkin na ang tagal ko nang di nakikita e nakalaro ko na naman. Madalas pa ako, si kuya, at si Kimkim mapagalitan nila Mommy at Yeye dahil kami daw ang pasimuno sa mga kalokohan. Pianapaiyak kasi namin yung mga bata e…wala, trip lang ba. Kaming tatlo kasi pinakamalakas mang-alaska. Hehe.
Ang daming kwento, ang daming tawanan. Ang saya ko dahil sila ang pamilya ko.
Kanina lang nilibing ang lola ko. Hindi nakisama ang panahon, pero sige lang. Akala ko hahagulgol na ako e..pero di naman ako naiyak. Siguro nga tama si Ate Deng, mga after one week pa matapos ng libing namin talaga mararamdaman yung lungkot. Malamang nga.
Sa ngayon, andito sa bahay mga pinsan ko. Full pack, kaya masaya pa rin. Ayoko nga munang pumasok sa trabaho, para makapag-spend naman kami ng konti pang oras na magkakasama. Kelan pa ba ulit mangyayari ‘to? Kaso nga lang, di naman pwede. Aagahan ko nalang talaga umuwi.
Salamat nga pala sa mga nakarating na friends ko. Kay Jep, Jason at Roy. AA, Gilbert, Hazel, Tin. Kuya Roger at Ate Libay. Aby at Monching. Kim. Tas sa mga nagpahatid ng condolences...marami-rami yon.
EXTRA
Fave line naming magpipinsan na hinding-hindi namin malilimutan:
"Hello! My name is Jobet. And I like it!"
Syempre kami lang nakakaintindi non. Panalo talaga.
No comments:
Post a Comment