17 September 2008

konbersasyon

KONBERSASYON

Yara: Ang cheesy mo naman~
Kimkim: Anong ang cheesy?
Yara: Minsan na nga lang ako magbukas ng friendster, yun pa mababasa ko.
Kimkim: Explain.
Yara: “I love you still” ba yun?
Kimkim: At least ako may love. E ikaw?
Yara: …Naghahanap ka ng away noh?

Tita Mimie: O may boyfriend ka na ba?
Yara: Wala.
Tita Mimie: Ang taray mo kasi.

Mommy: Isa isa nang nag-aasawa yung mga taga-taas ah.
Kim: Oo nga po e.
Mommy: Baka naman sumunod na kayong tatlo?
Kim: Ay naku Tita, pauunahin muna namin si Yara noh.
Mommy: Wag nyong antayin si Yara! Matatagalan kayo pag inintay nyo yun.
Kim: O edi si Kuya na lang.
Mommy: Mas mabuti pang si Ona. Wag lang si Yara.

Sir Reu: May boyfriend ka?
Yara: Wala po.
Sir Reu: Ows? Di ako naniniwala.
Yara: Sir, sa edad ko ba namang ito, itatago ko pa kung may boyfriend ako?

Daddy: Dati, and dami kong girlfriend, sabay-sabay pa!
Mommy: Oo nga. Nung girlfriend nya nga ako may iba pa ata sya.
Daddy: E kung hindi naman ikaw ang pinili ko, edi wala kang asawa.
Mommy: Oy anu ka? May nanliligaw din ata sakin nung boyfriend na kita.
Daddy: Naalala mo si……
Mommy: Tapos nung……
Daddy: Blah blah.
Mommy: Blah blah.
Yara: …Bakit ako walang mai-share?

Mommy: Sumama ka na sa kasal.
Yara: Ayoko, nakakatamad.
Ybelle: Yara, baka dun ka na makahanap ng magiging boyfriend mo!
Yara: …Sige, makasama na nga.

Madre: Ilang taon ka na?
Yara: 22 po.
Madre: May boyfriend ka?
Yara: Wala po.
Madre: Pero nagka-boyfriend ka na ba?
Yara: Hindi pa po.
Madre: Baka naman may bokasyon ka?
Yara: …Di ko po yun iniisip.
Madre: Baka nga panahon na para isipin mo yun?
Yara: …Wag naman po sana…

Eve: NBSB ka?
Yara: Oo.
Eve: By choice or by chance?
Yara: By both.

Yara: Pag may nanligaw sakin, ipapakilala ko sa inyo.
Kim: Oo, tapos ite-test natin sya.
Mommy: Paiinumin natin ng lambanog.
Kim: Patagalan sila ni Tito.
Daddy: Aba…malakas akong uminom ha.
Yara: Sabi na e, di ako magkaka-boyfriend.

Yara: Yey, 23 na ako.
Ybelle: Happy birthday!
Yara: Ang goal ko ngayong taon….humanap ng lalaki!
Mommy: Buti naman.
Ybelle: Tama ‘yan.

Del: Bakit wala ka pang boyfriend?
Yara: Selfish kasi ako e.
Del: Bakit?
Yara: Ayaw kong may kaagaw ako sa oras ko.
Del: WRONG! Very, very wrong!
Yara: …O~kay…

Random guy: Anong gusto mo sa isang lalaki?
Yara: Siguro…yung di tulad mo?

Kuya Almond: Mamang, di mo na inantay yung magiging bago mong apo.
Yara: Mamang, di mo na inantay yung magiging boyfriend ko.
Kuya Almond/Tita Helen/Ybelle/Kim: REAKSYON!
Yara: Tatandaan ko ‘to.

No comments: