11 May 2008

rants

gusto ko lang magsulat

****

nagbukas na ulit ako ng aking friendster account. gusto ko sana kamustahin mga friends ko, kaso tila nag-iba-iba na mga pangalan nila. huhulaan ko pa ba kung sino sina TWO phat, Tristan, Sean, ICudNotAskForMore, cHoi cHoi at -Kimi- ??? anu bang pakulo yan??

****

sa wakas at nagkakwentuhan na din kami ni Faye. malandi pa rin ang bruha. buti naman.

****

at nakasama ko na din ulit si kim sa shopping. gumastos na naman ako. leche, tuwi nalang ako maglalabas ng pera, ang binabayaran ko e mga pinamili nya. ako walang mabili.

****

ok naman pala kasama yung mga CME colleagues ko e. masaya kami. mas comfortable ako sa kanila kesa sa CebuPac. dun kasi sa 5J...may pulitika, may seniority, may asensado, may talentado, at syempre yung mga totoong t****tado.

****

yey~~ may date ako next week... =)

****

nabasa ko yung diary ko nung highschool. may sa kalandian din pala ako dati. puro pangalan ng lalaki. shet, utak babae talaga.

****

nagpagupit ako ng buhok. sabi ni faye ok daw ung new look, bagay daw...nagpagupit ulit ako after 2 days. hinding-hindi ko na hihingin opinion nya.

****

dapat pala simulan ko nang mag-ipon. parating na ang aking laptop next month.

****

after 2 years, nagbasa na ulit ako ng bleach. umm...after 2 years nalang ulit.

****

yung naruto siguro kapag wala na ulit ako trabaho.

****

bakit parang paikli na ng paikli ang mga sinusulat ko..?

****

tutulog na ako. ja~

No comments: