Mga ilang pangyayari lang sa trabaho.
******
Kahapon nagpunta ako sa SBOSS training sa Makati. Kala ko naman basic training, yun pala...
Yung kelangan kong matutunan, natapos i-discuss in 10 minutes. After nun, wala na ako naintindihan. Kumbaga, para akong 1st year highschool na napadpad sa clasroom ng mga 4th year. Ang susunod ko na lang na naintindihan e eto:
Lecturer: Any questions?
At ang gusto ko naman isagot:
01) Anu pinaggagagawa mo sa PC?
02) Pwede na ba kumain?
03) O kaya umuwi?
At ang susunod na tanong:
Lecturer: O anu nararamdaman nyo ngayon?
Yung karamihan, natutuwa dahil may bago silang natutunan. Ako? Naiihi. Potah, ang lamig dun eh! Hihinto nga ata puso ko sa lamig. At naka-jacket na ako nun ha.
At ang nakakainis pa, yung babae sa harapan ko. Parang 2 oras naubos dahil lang sa mga tanong nya. Sana nakauwi na kami diba, pero hindi, masyado kasi usi.
In the end, 5pm na din ako nakauwi. Ang orientation? Wala kwenta.
******
Mam Maricel: Ui required kayo pumunta sa Travel Expo ha.
Yara: Baket?
Mam Maricel: *the Look*
******
Mam Tess: After nun, i-ttype nyo WTFR. Whiskey Tango Father Romeo.
Winch: W, T... Anu daw?
Yara: WTFR. What The Fuck Romeo.
Winch: 0_o
Naeskandalo ata sya. Ah, nakalimutan ko, isa nga pala syang dalagang Pilipina.
No comments:
Post a Comment