09 December 2006

my voice..

Alam ko naman, ever since dati pa, salamat sa madalas na paalala ng mga kaklase at kaibigan ko, at mga katrabaho ko, na ang boses ko e sadyang maliit, lalo na pagdating sa telepono.

Hindi ko naman yun masyadong pinapansin kasi alam ko naman na sanay na sila, at lalo pa na kilala ko naman sila. Atsaka kadalasan naman, after ng mga ganun nilang komento, may hihirit ng "pero cute naman e."

Pre, salamat.

Pero eto ang pinakauna-unahang pagkakaton, pinakaunang beses, na ipinaramdam sa akin ng isang hindi kilalang lalaki na ang boses ko ay sadyang hindi appropriate sa edad ko na bente-uno.

Nag-ring ang telepono.

Yara: Hello.
Lalaki: Dito ba nakatira si Almond?
Yara: Opo.
Lalaki: Ano mo si Almond?
Yara: Pinsan po.
Lalaki: Anong pangalan mo?
Yara: Yara po.
Lalaki: Ano..Yara..
Yara: Po?
Lalaki: May pwede ba akong makausap dyan na mas matanda sa'yo? Kasi si Almond naaksidente. Baka meron ka dyang kasama na mas matanda sayo na pwede kong makausap.
Yara: ....

AMF.

No comments: