19 September 2006

random

Mga bagay-bagay lang na nangyayari sa akin lately...

*******

Pagkatapos ng mahabang panahon, sa wakas, nagkaron na ulit kami ng bonding session ni Kim. Ewan ko ba, kapitbahay ko lang naman sya, pwede naman kami magsigawan sa may bakod (katulad ng madalas naming gawin dati), o kaya sa may bintana sa kusina tuwing sya ay naglalaba...ngunit hindi. Yan ang nagagawa ng panahon. Kahit na magkababata kayo, subalit nauubos na ang oras ninyo sa mga bagay-bagay na magpapalago (man) ng inyong kinabukasan, wala talagang magagawa. Mapag-iiwanan nyo din ang isa't isa. Buti na lang at naisipan nyang magpasama sa akin sa Mall para sya ay mag-shopping. Nagkakwentuhan ulit, nagkatawanan, nagkaiyakan pa. Anu ba yan. Pero, oo, nakakatuwa, dahil kahit na ang tagal naming hindi nagkausap e ganun pa rin kami, nagkakaintindihan.

Sana maulit yun muli. Hmm..mayaya nga sa Linggo.

*******

Yung kelangan kong bayaran dito sa hotel na malaki-laking halaga (in PESO! in FOUR DIGITS!) e di ko na kelangang bayaran. Salamat po.

*******

Hanggang ngayon, parang hindi pa rin totoo na wala na nga si Dibbun. Ang surreal pa rin e. Pagdating ko sa bahay, hindi na nya ako sasalubungin, tas hindi na sya makikipag-unahan pumasok sa may pintuan papuntang sala, at di na sya makikiupo sa may kusina habang kami ay kumakain. Kapag iniisip ko na oo, wala na nga sya, parang hindi pa rin totoo. Kasi parang kelan lang, andyan pa sya e. Parang ang bilis. At hanggang ngayon, nalulungkot pa rin ako. Ayan, naiiyak na naman ako. Ang daya kasi. Mahal na mahal ko sya.

Madalas pa sya magparamdam sa amin. Kapag uuwi ako ng gabi, parang may naglalakad sa labas ng gate namin. Madalas kasi sya lumabas e, habang hindi pa ako dumadating, mag-aantay lang sya dun sa tapat ng bahay namin. Tas si mommy naman napasigaw nung isang beses pagbukas nya ng pintuan. Nagulat daw sya e, para kasing may nakaharang sa pinto. E dun lagi nakahiga si Dibbun kaya minsan di kami makalabas hangga't d sya umaalis.

Dibbun...ang sakit talaga.

*******

Bakit parang hindi na talaga nagpaparamdam sa akin si Jenny..?

*******

Tatlong linggo na akong walang load. Kung kelan kumikita na, saka nagtipid sa load.

*******

Si kuya magkakatrabaho na ulit. Hala, sino nang gagawa ng mga gawaing-bahay sa bahay?? Sino na magluluto, maghuhugas ng pinggan, magwawalis ng sahig, etc etc??

Hay, tulong-tulong na ulit. Wala nang one-man team e.

*******

Kamusta ang trabaho ko? Umm, wag na lng...ayoko sagutin.

*******

At ang love life?

Sheesh.

No comments: