By choice.
Ang bilis naman ng oras. Naalala ko pa nung
inihatid ako nina mommy at daddy dun sa agency ko sa may Ermita. Inasar pa ng
tatay ko yung nanay ko na iiyak daw sya. And in between, kaunting tawagan at
chat lang ang nagawa namin ng mga magulang ko, pero talagang I feel blessed na
ganyan silang dalawa. Astig pareho.
Di ko matandaan yung huling pagkikita namin ni Kim.
Never ko syang tinawagan. Once ko lang naka-video chat. Pero in between, sya
yung taong nasabihan ko ng mga problema ko dito. Lalo na yung mga kalokohan ko.
Jusme pano nalang kung wala sya? Mahaba-habang Starbucks session yan pagbalik
ko.
Grabe ang culture shock ko dito. Iba talaga ugali
at pag-iisip ng mga Arabo. Add pa natin na Muslim sila. Pero in between, nasanay
akong kumain ng Biryani at roasted chicken na ipinapalaman sa Kubos. Marunong
na rin ako ng conversational Arabic. Nakayanan kong mag-stay healthy kahit na 85%
ng kinakain ko e processed food, tas yung 5% dun e 3-in-1 coffee. Nakilala ko
kung sino ang Patan, Ipis, Bengali, Pana, Lokal, Lebanese, Syrian, at Omani.
Pero for some reason, nalilito ako sa Pilipino at Malaysian, lalo pa yung mga naka-
shela. Marami din akong taong na-disappoint kasi akala nila
mabait at inosente ako. Mga assuming kasi (for later post na yan). Nakakainom
pa rin ako ng alak kahit bawal. Naranasan ko nang mahuli ng pulis at mahanapan
ng labor card. Nakabisado ko na rin yung chorus nung Arabic song na paulit-ulit
sa stage namin. Natigil na rin ako sa
pagco-convert ng dirham into peso. Actually ngayon, it’s the other way around
na (dahil mas masarap pakinggan ang 40 dirhams kesa sa 500 pesos).
So as of now, may three months pa bago ko pa ulit makita
ang Pilipinas. Okay pa kaya ang kwarto ko? Hindi pa ba nababalot ng sapot yung
cabinet ko? Amoy amag na kaya ang bed sheet ko? Gagana pa ba mga DVDs ko? Nakakatakot
pa rin ba yung Chaka-doll ko? Kasya pa ba sakin yung mga t-shirts ko?? Baka in
between, nagtampo na pala sakin ang mga kagamitan ko at may plano silang
manabotahe pagdating ko. Hala.
Kala ko mabilis, di rin pala.
No comments:
Post a Comment