03 July 2012

Henyo Ba Tayo?

Lugar ba to?
Hindi!
Pagkain?
Hindi!
Bagay?
Hindi!
Tao?
Ahhh...Pwede!
Pwede??
Ummm...Pwede!
Alien?
Hindi!
Android? Bakulaw?
Hindi!
Mga kakaibang nilalang??
Hindi!
Parte ng katawan ng tao?
Hindi!
Sinusuot ng tao?
Hindi!
As in tao talaga?
Ummm...Oo, pwede!
Ikaw tao ka ba? Ang gulo mo e!
Gaga!
Kilala ko ba to?
Hahaha, oo!
Lalake?
Hindi!
Andito ngayon?
Oo! Oo!!
Ako?
Oo! Teka, hinde!!
Anong oo-hinde??
*alarm alarm alarm*

Ako: So pwede na rin akong tao, ganon?
Nagpapahula: Hindi... e kasi birthday nakalagay e.
Ako: Nababasa ko nga na birthday nakalagay, e bakit pwedeng tao ang sagot mo?
Nagpapahula: E mas madali nang i-konek sayo.
Ako: Jusme, anu ba yun. Kumonek ba?

Nakakailang praktis na kami hindi pa rin kami naglelevel-up!!

[Category: Pangyayari]
Masaya ba to?
Hindi
Pagluluksa? Mahal na Araw?
Hindi
Nangyayari lagi?
Hindi
So wala naman sya sa kalendaryo?
Oo
Ummm...Naranasan ko na ba to?
Hindi
Ummm...heartbreak?

Wahahaha.

Ang hirap ng sagot ha: Martial Law.

Pero balik sa totoong point ng post na ito, sobrang grateful ako sa mga taong tumulong at pumunta (kahit nakikain lang) dun sa party ko. At lalo na sa mga nagluto ng pagkain at nag-donate ng alak. Wooh~~ akala ko wala na talagang tagay e (pero nagpaluto pa rin ako ng tokwa't baboy, just in case, nyahaha!), tas may surprise pala talaga. Saka sumakit talaga panga at tyan ko kakatawa nung gabing yon. Saka may natanggap pala akong mga regalo hahaha, dami surprises!

Kaya...next year, party ulet!

Baka last ko na yon dito sa UAE.

Achuchu.

No comments: