02 March 2012

Shu hada! Ana sameena!!

Anu ba yun! Yung tyan ko lumalaki na, napag-iiwanan na nya ang dede ko!! Jusme, kakapiranggot na nga lang ang naipagkaloob na dede saken tas sasapawan pa ng tyan ko. Wala namang problema saken kung medyo tataba ako e, pero yung proof ng kinakain ko sa tyan ko lang nakikita. Yung kung anu mang sustansyang nakukuha ko sa mga de-lata, hotdog, at chicken ng herfy/kfc e hindi dumadaloy sa mga braso at binti ko. Para na tuloy akong...anu ngang tawag dun sa maliit na palaka? Hindi yung butete...baby yun e. Yung medyo toddler ang dating...froglet? Tingnan mo pati ingles ko wasak na.

No comments: