04 June 2011

On 'Soap Opera' Mode

So totoo rin pala ang HEART vs. BRAIN conflict pagdating sa super cheeeesy topic na LOVE.

Nakakakilabot, pero andun ako ngayon e. -_____-

BRAIN: May asawa na yan! Hiwalayan mo na!
HEART: Teka lang naman....
BRAIN: Kauuwi lang nya ng Pinas para makasama ang pamilya nya tas pagdating nya e didikitan mo na naman??!
HEART: Pinipigilan ko naman e! Tingnan mo, di na nga ako nagtetext sa kanya masyado o kaya tumatawag. I'm doing my best!
BRAIN: O tas pag humirit sya sayo na pumunta ka ng Dubai e gagawin mo naman?
HEART: E nami-miss ko rin naman yung tao...
BRAIN: Kita mo na! Isipin mo nga, wala namang patutunguhan yung relasyon ninyo e. Kahit bali-baligtarin nyo pa ang mundo, hindi kayo magkakasama habang buhay! Sinasayang mo lang ang panahon na ginugugol mo sa kanya!
HEART: Alam ko naman e! Tingin mo sa kin walang utak?
BRAIN: E puso ka e!!
HEART: Okay, sige na, hindi na ako nag-iisip! Pero tuwing kasama ko sya parang umiikot na lang sa amin yung mundo e. Alam mo yun, ang saya ng feeling. Ang corny sabihin pero basta masaya ako~~
BRAIN: At ano pagkatapos non? In the end, wala din kayong magagawa! Remember nung kinontak ka ng asawa nya?? O anong naramdaman mo nun?
HEART: Wala.
BRAIN: Adik! Alalahanin mong mabuti!
HEART: Okay! Sige na, nakonsensya ako! Parang dun ko lang fully na-realize na totoo ngang may asawa na sya. Huhuhuhuhu!! T___T
BRAIN: At paulit-ulit mo yang mararamdaman habang hindi mo pinuputol ang relasyon ninyong dalawa. At saka isa pa, delikado ang ginagawa mo. Mahigpit dito sa bansang ito. Mahirap na!
HEART: Nag-iingat naman kami!
BRAIN: Walang sikretong hindi nabubunyag! Tingnan mo, ilang beses na kaya kayong nahuli ng iba't ibang tao sa iba't ibang pagkakataon? Akala mo ang laki ng mundo, pero lagi na lang may nakakakita sa inyong magkasama, kahit nasa Dubai pa kayo.
HEART: Napansin ko din yun... Laging may COINCIDENCE.
BRAIN: Yan ang mga senyales!
HEART: Pero pramis, ang saya saya ko nung last na magkasama kami.. As in!
BRAIN: Bahala ka! Basta na-warningan na kita ha! Wag mo akong sisihin sa huli pag nagkaron na ng komosyon.
HEART: When that time comes, mag shut down na lang tayo pareho. Play dead.
BRAIN: Adik.

So ayan ang conflict. Lupet noh?

1 comment:

--kim-- said...

kim: Heart! makinig ka kay utak! madami pa dyan iba..