Di ko alam kung sino ang pasimuno (most likely si Noel), pero may bagong pauso ang Sales namin. Sa office nila, bawal magsalita ng Tagalog, except sa phone calls.
Ang penalty? PHP2.00 per Tagalog word.
Sabi nila ang purpose daw non is to harness our English-speaking skills. Pero in truth, para lang makapag-ipon ng pambili ng merienda, dahil for sure, malaki-laki ang makokolekta. Either way, siguro it’s killing two birds with one stone na din. Wala namang makakasama.
Nag-practice kami kanina, at ang resulta – puro 'yes', 'no', 'later', '...' at 'excuse me?' na lang ang nasasabi. Tas sabay tawa. Ahahaha. Walang nang makapag-comment, wala na ring makadaldal. Okay din naman noh? Nakakatawa din ang sitwasyon.
Buti naman napapasaya pa rin ako ng Sales kahit papano. Di ko pa man din sila masyadong trip.
No comments:
Post a Comment