Ang paranoid ko naman kasi. Nagdasal pa ako bago humakbang sa eroplano. May nakakainis na pangyayari sa loob ng plane dahil dun sa katabi ko, pero ok na din yun, napatungan ng sobrang inis yung sobrang kaba ko. =)
Wala namang masyadong nangyari..naubos yung buong Lunes ko kakaantay ng kung sino-sino at ng kung ano-ano; nag-inom gabi-gabi; naligo sa ulan; naligo din sa dagat; namili ng pasalubong kunwari; nakipag-kulitan kay Joy-joy; dumalaw sa Le Soleil; nang-espiya sa CME...tas pumunta kina Tita Mabel sa Kalibo. Yun na.
Walang landian, walang gantihan.
At saka contrary to popular belief, hindi ako nagdala ng resume para mag-apply. Akala nyo.
Picture namin ni Dize kasama si Joy-joy, ayun.
No comments:
Post a Comment